Wednesday, 6 March 2019

Look: 7 Las Piñas-pulis arestado sa kidn4pping


Pitong pulis sa Las Piñas City ang inaresto dahil umano sa panghihingi ng pera sa pamilya ng isang dr*g suspect kapalit ng kalayaan nito.

Isinilbi ang arrest warr*nts laban kina Staff Sergeant Joel Lupig, Corporal Vener Gunalao, Corporal Jayson Arellano, Patrolman Jeffrey De Leon, Patrolman Mark Jefferson Fulgenio, Patrolman Raymard Gomez, at Patrolman Erickson Rivera.

Nasa kustodiya na ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang mga suspek noong Miyerkoles ng hapon.



Nag-ugat ang pagdakip sa mga pulis na nakatalaga sa Station Dr*g Enforcement Unit ng Las Piñas City Police, matapos umanong mangikil ng pera sa isang Shelane Lugutan, na kapatid ng naarestong si Cyrus Wency Lugutan sa anti-dr*g operation.

Ini-report umano ni Lugutan sa Regional Special Operations Unit ng NCRPO ang panghihingi sa kanya ng pera ng mga naturang pulis kapalit ng kalayaan ng kanyang kapatid.

Naglunsad ng entrapment operation ang mga awtoridad noong Nobyembre ng nakaraang taon laban sa mga suspek pero nakatakas.

Kalaunan ay sumuko sila at inilagay sa restr*ctive custody noong Nobyembre 29, 2018.

Mahaharap sila sa mga kasong kidn4pping with serious illeg*l detention at grave misc*nduct.

source:abante

0 comments

Post a Comment