Sunday, 3 March 2019

LOOK | Jeepney driver na umani ng papuri dahil sa kanyang ginawa sa isang bata na estudyanteng sumakay ngunit kulang ang perang pambayad

“Honesty is the best policy” iyan nga naman ang isa sa talagang ating pinaniniwalaan. Kaya naman, sa panahon ngayon mayroon pa rin namang mga tapat at mayroong magandang kalooban.
Gaya na lamang ng nakita ni Jonee Canada sa isang jeep na kanyang sinakyan na kanyang binahagi sa social media.


Nakasakay na siya sa jeep nang sumakay ang bata at pumunta sa driver. Binigay ng bata ang 5 piso at nanghingi ng pasensya dahil iyon na lamang ang pera niya.
Nakakatuwang makita na binalik ito ng driver at tila walang problema at pinayuhan pa siyang mag aral ng mabuti at wag makikipag away.


“Nkkaantig ng puso n sana ganito lahat ng driver n nkkaunawa sa mga batang ngppursige s pag-aaral s kabila ng estado nila s buhay. My mga driver kasi n my kasungitang taglay…Saludo ako sayo manong driver kung sino k man… nkuhanan ko nmn ng picture ang plate number mo. Salamat sa mga mbubuting puso n tulad mo.,” bahagi ng facebook post ni Jonee.
Nakakatuwa na mayroon pa ring mga ganitong klase ng tao gaya ng bata na napakatapat at ang drayber na matulungin.

Here's the original post:


Tuwang tuwa din at talagang usapan ang ginawang ito ng mga netizens sa social media:
“Ito ang driver na dapat tularan. Yung iba nman akala mo wala silang anak kc grabe Kung itrato Yung ibang Bata na kulang Pam bayad galit pa, pero Kung sila nman di nagsusukli di nman ako galit kc naisip ko konting bagay kya Sana sa ibang driver dpat may konsidirasyon din kyo pra Lalo kyong pagpalain ng diyos”

“May God bless the driver ten thousand fold for his generosity and kind heart. And may the boy, when already earning, pay forward the generosity he received.”
“Yng iba nman driver ayw mgsakay pg alm na studyante kc my discount pg student nsaksaksihan ko mismo yn dami pumapara studyante nilalampsan kc dw d sya kikita akala moga wala ank na mgaaral”

Here are some of the netizens comments:



Source: Goodtimes/facebook

0 comments

Post a Comment