Sunday, 10 March 2019

WATCH | Misis Nag-init sa Mister at Kabit ng Dumulog kay Idol Raffy Tulfo


Laking gulat ng misis ng maka-face to face ang kabit ni mister ng lumapit siya kay idol Raffy Tulfo.

Ang misis ay kinilala lang sa pangalang Genevieve kasama ang kaniyang mga kapatid upang ireklamo ang mister niyang hindi nagsustento sa kaniyang mga anak.

Kasama ni mister na si Reynante si Vanessa ang kaniyang bagong kasintahan. Matatandaan sa Part-1 ng video ay subrang gigil ng misis nang nakita niya na kasama pa ni Reynante si Vanessa sa harap mismo nina Raffy Tulfo.



Si Vanessa pa ang matapang na may dalang mga ebedensiya at nagpapatunay umano na ang misis ay may iba ring kalaguyo. Pero ang lahat na mga paratang ay itinanggi ni misis.

Ang reklamo naman ng misis ay ang kaniyang mister na hindi na nagpapadala ng pera para sa kanilang mga anak. Si mister ay dating OFW sa ibang bansa.

Pero ayon pa ng mister hindi siya nakapagpadala ng pera dahil wala na daw siyang trabaho.


Hindi na rin siya nakapag-abroad dahil sa pangamba na harangan ni misis at maipa-deport pabalik sa bansa.



Naglabas din ng sama ng loob si mister sa misis dahil sa apat na taon niyang pagtatrabaho sa ibang bansa at ang lahat niyang sweldo ay ipinapadala niya kay misis pero wala itong naipundar maliban nalang sa electricfan. Dahil dun pinangaralan si misis ni idol Raffy.

Pero sa kalagitnaan ng interview nakatikim ng samp4l ang dalawa si mister at ang kabit. Pero kalaunan nagkasunduan ng dalawang panig na walang magkaka-problema kahit magsama si mister at ang kabit basta't tuloy-tuloy lang ang sustento ng mga anak nila ni misis.

Watch the Video Here:


Here are some of the netizens comments:







Source: Facebook/Youtube

0 comments

Post a Comment