Thursday, 7 March 2019

War on dr,ugs ng Duterte admin, hindi dapat ituring na magandang modelo sa ibang bansa ayon kay Michelle Bachelet .


Naniniwala si United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na hindi magandang modelo sa ibang bansa ang giyera kontra dr0ga ng Duterte administration.


Sa kanyang talumpati sa UN Human Rights Council sa Geneva, Switzerland – ang dr*g polices sa Pilipinas at ang kawalan ng paggalang sa rule of law at international standards ay hindi dapat tularan ng ibang bansa.

Nababahala rin si Bachelet sa pagkunsidera ng Kongreso na buhayin muli ang de*th penalty para sa dr*g-related crimes at ang pagbaba ang age of crim*nal responsibility.



Hinimok niya ang pamahalaan na gumamit ng public health approach at harm reduction initiatives na naaayon sa human rights standards, base sa 2016 General Assembly Special Session.

source:rmn

0 comments

Post a Comment