Tuesday, 5 March 2019

WATCH | 10 Anyos na Bata Sugatan sa Pagsabog ng Charger ng Tablet


CAGAYAN DE ORO - Nalapnos ang ibat-ibang bahagi ng katawan ng 10 anyos na batang babae sa Barangay Dayawan, Villanueva, Misamis Oriental.

Ayon sa kapatid niyang si Rolly March Ruiz, sumiklab ang apoy sa kuwartong tinutulugan ng kanilang bunsong kapatid noong Pebrero 28 ng umaga.

Unang sumabog umano ang nakasaksak na charger ng tablet na siyang pinagmulan ng sunog.

“Bago lang binili ni Mama yung charger na ginamit pag charge ng tablet,” ani Ruiz.

Mabilis naman naapula ang apoy sa kanilang kuwarto sa tulong ng kanilang mga kapitbahay.

Hindi na nai-report sa mga bombero at pulis ang insidente kaya hindi na naimbestigahan.

Nagpaalala naman ang kapitan ng barangay na sana ugaliin ang pagtanggal sa mga nakasaksak na gadget bago matulog.

“Isasali ko ang usaping ito sa susunod na barangay assembly para maiwasan yun ganitong pangyayari,” ani Kapitan Robert Cabrera.

Nagpapagaling pa rin sa ospital ang bata habang binigyan na ito ng inisyal na tulong ng barangay.

Watch the Video Here:


 Here are some of the netizens comments:


Source: Facebook /youtube/abs-cbn

0 comments

Post a Comment