Tuesday, 26 March 2019

WATCH | Barumbadong Driver, Sinagi ang Naka Motor na Mag Asawa, Comat0se si Misis


Kritikal ngayon ang lagay ng isang ginang matapos masagi ng humaharurot na kotse ang sinasakyan niyang motor. Kinilala ang mga biktima na sina Mark Joseph Belen na nagtamo ng bali sa kanyang paa. Si Rosanna Ugto naman ay nakaratay sa ospital dahil na-comat0se.



Kitang-kita sa dashcam ng isa pang kotse ang pabarumbadong pag-overtake ng kotse sa mga nakasakay sa motor. Nang masagi ang mga biktima ay sabay humarurot ito na tila walang nangyari.

Nangangalap na ng posibleng karagdagang CCTV footage ang mga otoridad para matunton ang suspek.

Humihingi naman ng tulong ang tiyahin ni Joseph Belen na si Divina sa publiko para mabilis na mahuli agad ang suspek.



“Pamangkin ko po yang nakamotor. Magkasama sila NG asawa niya. Sinundo galing sa trabaho mga bandang 1 am to 1:30 am sa may Santolan, Pasig. Kitang Kita naman po na nasa tamang Lane siya at smooth naman ang pagpapatakbo niya bigla silang parang sinadya na pitikin ng puwet ng kotse tapos iniwan lang… Yung pamangkin ko po ay bali ang paa, yung asawa niya po comma, may dalawang anak po silang maliliit pa, Kaya sobrang malaking perwisyo po ang ginawa. Kung sino man po ang nagdadrive ng kotse na Yan.. tulungan niyo po kami na matunton Ang may ari ng kotse at panagutan Ang dapat niyang panagutan,” pakiusap ni Divina Belen sa publiko.

Here's the original post:



Labis naman ang paghihinagpis ang naramdaman ni Joseph sa insidente. Hiling niya ay makonsensiya ang driver at sumuko na.

“Sana makonsensiya ang driver ng kotse sa ginawa nia sa asawa ko kasi may dalawang anak po ‘yung dinisgrasya niya. Sana magpagaling na po ang asawa ko alang-alang po sa mga anak namin. Sana gumaling na po siya. Mahal na mahal ko po siya,” sabi ni Joseph.

Watch the Video Here:



Here are some of the netizens comments:



Source: GMA News/Divina Belen

0 comments

Post a Comment