Saturday, 23 March 2019

WATCH | "Batang may malubhang karamdaman, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo"


Binigyan ng agarang aksyon ang isang grade-10 na batang babae ni idol Raffy Tulfo matapos itong nakaramdam ng malubhang sakit sa katawan. Dahil sa sakit ilang buwan na daw itong hindi nakakalakad.

Si idol Raffy Tulfo ay papasok na sana sa kaniyang opisina ng makita niya si Petal na nakapila at hinang-hina na kaya kinausap ito ni idol at tinanong kung ano nangyari at tinanong kung ano ang tulong na maibigay ni idol.


Ayon sa nanay at tatay ni Petal ilang buwan na daw ang sakit ng bata at hindi nila alam kung ano ang sanhi nito. Naging sagabal daw ang sakit ng bata sa pagaaral nito at pati pagpunta ng C.R ay kinakarga pa sya ng kaniyang ama.


Hindi naman nagkamali na lumapit ang pamilya kay idol dahil agad sila binigyan ng aksyon ni idol Raffy at tinawagan ang doktor ng St. Lukes Medical Center para mapa-kunsulta ang bata.


Si Petal ay ilang araw lang nananatili sa loob ng ospital at binisita ng personal ni idol Raffy at binigyan ng prutas. Ang bata ay masigla na at tila wala na itong nararamdaman na sakit.


Pinangakuan din ni idol Raffy ang pamilya na kung tuloy-tuloy na ang pag-galing ng bata ay ipapasyal ang kanilang pamilya at sagot na ni idol Raffy ang lahat.

Watch the Video Here:



Source: Facebook/Youtube/Raffy Tulfo in Action

0 comments

Post a Comment