Friday, 1 March 2019

WATCH | Huli sa CCTV di umano'y White Lady, Nahuli-Cam na naka angkas sa naaksidenteng rider


Binawian na ng buhay ang isang motorcycle rider habang sugatan naman ang angkas nito matapos maaksidente sa San Rafael, Bulacan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Isa umanong white lady ang sinisisi sa aksidente matapos makita raw sa CCTV na may babaeng may mahabang buhok ang nakaangkas sa motorsiklo.

Ayon sa kawani ng barangay, bagama't may angkas ang rider pero hindi naman ito babae.



Sumalpok sa poste ang motorsiklo na minamaneho ni Argee Abarte na ikinamatay niya at ikinahulog naman ng angkas niya.

Hindi naman naniniwala ang amain ng biktima sa white lady at isinisi niya ang aksidente sa kalasingan ni Abarte.

Napag-alaman naman na accident prone ang lugar ng aksidente.

Watch the Video Here:

 Here are some of the netizens comments:

Source: GMA News/facebook

0 comments

Post a Comment