Sunday, 24 March 2019

Watch! Idol Erwin Tulfo, Kinompronta mismo ang CEO ng Paysbook dahil Panloloko nito sa mga tao!


Matapos umugong ang maraming kontrobersiya tungkol sa Paysbook, kinausap mismo ni Erwin Tulfo si Arjay Gallenero, ang CEO/Founder of Paysbook E-Commerce System para mapaliwanag ang mga isyu tungkol sa kinasasangkutan dito.

Pinatawag agad ni Erwin Tulfo ang Paysbook CEO na si Arjay para ma klaro ng publiko kung ano talaga ang tunay na sitwasyon nito sa SEC.



Ipinakita ni Tulfo na may mga dokumento siya sa kanyang harapan galing sa Department of Trade and Industry at galing sa Security and Exchange Commission.
Ayon daw kasi sa SEC, dalawang beses na daw sila umanong nag warning na ang kompanya ng Paysbook ay walang lisensya at walang karapatan mag solicit ng investment.

Paliwanang ng Paysbook CEO na si Arjay, hindi naman daw nya itinanggi na nakatanggap sila ng SEC advisory at kasalukuyang naka due process at under investigation ang mga ito.

Aniya, may mga kailangan silang compliances na ni re-require sa Security and Exchange Commission. Nagkataon daw na nagkaroon sila ng investment scheme pero ang katotohanan sa side nila, ang benebenta daw nila sa publiko ay hindi investment kundi nag re-render sila ng mga online services.

Panoorin ang Video:



Umani ito ng kabi-kabilang reaksyon galing sa ating mga netizens lalo na sa social media. May mga positibo at negatibong komento mula sa kanila:









source:facebook

0 comments

Post a Comment