Tuesday, 5 March 2019

WATCH | 'Kotong' cop sinabunutan, Dinuro, Minura ni NCRPO Chief Eleazar

MAYNILA - Sinabunutan, dinibdiban, dinuro, at minura.

Iyan ang inabot ng isang pulis mula kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Guillermo Eleazar matapos itong mahuli sa entrapment operation dahil sa reklamong pangingikil.

Inaresto ng mga tauhan ng Regional Special Operation Unit ng NCRPO si Police Cpl. Marlo Quibete matapos umano nitong tanggapin ang P20,000 marked money sa tapat ng isang fast-food restaurant sa Barangay Santolan, Pasig City.



Nakatalaga si Quibete sa District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Eastern Police District (EPD).

Nanghingi umano ng pera si Quibete kapalit sa kalayaan ni Aries Ochoada na nahuli sa buy-bust operation sa Marikina City.

Nagsumbong ang kinakasama ni Ochoada na si Eva Cabansag dahil sa dami ng hiningi ni Quibete, kabilang ang isang gintong kuwintas at motorsiklo.

"Hiningan kami ng P200,000. Sabi ko, 'di ko kaya. Sabi P100,000 na lang, hindi pa rin kaya. Kung ano na lang meron kami. May pinapirmahan pang deed of sale nung motor naming na kunwari binenta ko sa kanila," ani Cabansag.

 

Base sa imbestigasyon ng NCRPO, kasabwat umano ang mga tauhan ng EPD-DDEU, maging ang hepe nito.

Nakita sa cellphone ni Quibete ang mga text sa pagitan ng kaniyang hepe at ibang kasamahan tungkol sa umano'y transaksiyon.

Watch the Video Here:


Ipinag-utos ni Eleazar na tanggalin sa puwesto ang lahat ng pulis sa nasabing unit na posibleng mahaharap sa kasong robbery at extortion.

"Pinatawag ko iyung iba kagabi, tinatawagan ng kanilang district director, pero hindi na po lumutang. Natakot na siguro dahil sa stiwasyon at namonitor nila na naaresto na itong kasamahan nila," ani Eleazar sa panayam ng DZMM.

Watch the Video Here:



Here are some of the netizens comments:



Source: ABS-CBN News/facebook/Youtube

0 comments

Post a Comment