Wednesday, 27 March 2019

WATCH | Legal Wife at Kabit Muntik na Maging Mag "BFF" at Nagawa pang Tumira sa 1 Tirahan


Dumulog sa programang Raffy Tulfo in Action ang ginang na si Katrina Tacutaco upang ireklamo ang kanyang mister na si Vergel at kabit nito. Ayon kay misis, hindi na nabibigyan ng maayos na sustento ang anak sa kanya ni mister.

Ngunit giit naman ng kabit ni mister na si Espie Bautista, hindi nagkukulang ang ama ng bata dito. Sa kanilang pagtatalo on air, napag-alamang tumira pala ang mga ito sa iisang bahay kasama ang kani-kanilang mga anak at si mister!



Ikinagulat naman ito ni Raffy Tulfo at tila naguluhan sa naging set up ng dalawang pamilya. May mga pagkakataon pa umano na silang dalawa na ang nagdamayan sa mga hindi inaasahang pagkakataon.

Katulad nang atakihin umano ng sakit sa puso si legit ay si kabit pa ang nag-asikaso rito. Habang nang sumakit naman ang tiyan ni kabit ay si legit naman ang kasama nitong nagpa-ultrasound.

Biro pa ni Tulfo, tila naging mag-bestfriend pa ang dalawa! Paliwanag naman ni Katrina, pumayag lamang siya sa set up na iyon alang-alang sa mga bata at dahil buntis si Espie.



Maraming netizens ang 'di natuwa sa desisyon na iyo ng legit lalo pa at kasal ito sa mister at may karapatan siyang magreklamo. Sabi pa ni Tulfo, martir si Katrina dahil sa pagpayag nito sa mga kagustuhan ng kanyang asawa kahit pa nga ibig sabihin nito ay pagpapakababa ng kanyang pagkababae.

Ganunpaman, hinikayat ni Tulfo na mag-ayos na lamang ang dalawa. Ngunit sa huli ay nagdesisyon si Katrina na kausapin muna ang anak at ang mister para sa mas maayos na set up ng dalawang kampo.

Watch the Video Here:


Here are some of the netizens comments:







Source: Facebook/Youtube/Raffy Tulfo in Action

0 comments

Post a Comment