Wednesday, 20 March 2019

WATCH | Mamang Driver na Sobrang Bilis Magmaneho at Ayaw Magbaba ng Pasahero, "BIYAHENG IMPYERN0" ang Paglalarawan


Viral ngayon ang video ng driver na sobrang bilis magmaneho at ayaw pang magbaba ng pasahero at Nilarawan itong "Biyaheng impy3rno" ng netizen na nagbahagi ng video na dinig na dinig ang takot ng mga sakay nito na nagmamaka-awa nang ibaba na lamang sila.



Viral ngayon ang video na kuha sa loob ng jeepney na mabilis na pinapatakbo ng driver nito. Sa post na binahagi ng Philippines CCTV & DASH CAM Spotted, makikita ang driver na akala mo'y kalmadong nagmamaneho habang nagsisisigaw na sa pagmamakaawa na bumaba na lamang ang ilang pasahero.

Kinig na kinig sa video ang pagmamakaawa ng mga pasahero sa pag-oara sa jeep ngunit parang walang naririnig ang driver at diretso harurot pa rin ito sa pagmamaneho.



Takot na takot na ang ilan niyang pasahero ngunit di pa rin ito alintana sa tsuper. Ayon sa isang komento sa post na orihinal na binahagi ni Lois Miranda, maaari raw na sinumpong ng depresyon ang lalaki.

Sana raw ay nanatiling kalmado na lamang ng nagsisisgaw na pasahero dahil baka lalo lamang daw naaburido ang driver kaya naman di ito nagpapababa.



Sa caption ng post, nasabing tila "biyaheng impyerno" ang patakbo ng jeep at binigay pa ang plate number nitong, PLATE No. GWJ426.

Narito ang nasabing Video kung saan nakuhanan ng Netizens:



Samantala, maging ang mga netizens ay naalarma sa ginawa na ito ng tsuper. Narito ang kanilang mga komento:



Source: Facebook/KAMI

0 comments

Post a Comment