Friday, 8 March 2019

Watch: Manila Police officer may banta sa mga mahuhuli niyang pulis na sabit sa dr*ga: "Pap*tayin ko kayo"


Isang pulis-Maynila na nahuli-cam sa surveillance video na nagdodr*ga ang naaresto at nakuhanan ng hinihinalang sh*bu na higit sa P100,000 ang halaga. Ang kanilang opisyal, labis na nadismaya.

 kinilala ang naarestong pulis na si Police Officer 1 Ferdinand Rafael, na nakataga sa Manila Police District-Admin Holding Office sa Traffic Sector 8.

Naaresto si Rafael ng mga tauhan ng NCRPO-Regional Special Operations Unit at MPD-Dr*g Enforcement Unit sa Sampaloc, Maynila.

Matapos makunan ng video na bumabatak si Rafael, nagsagawa ng buy b*st operation kung saan nabilhan umano ng isang P1,000 halaga ng hinihinalang sh*bu ang suspek.


"Sa ating kapulisan, alam naman nila na talagang kumbaga mortal sin for the policeman na gumamit ng dr*ga. Dahil ito laging sinasabi natin sa internal cleansing, zero tolerance, no compromise tayo pagdating sa dr*ga," sabi ni Police Director Guillermo Eleazar, NCRPO Chief.


"Hindi naman talaga siya considered as malaking dr*g p*sher, just peddler resorting to peddling. Siguro para matugunan ang kaniyang bisyo," dagdag ng opisyal.

Dismayado rin ang MPD-District Director na si Police Senior Superintendent Vicente Danao Jr. sa nangyaring pagkakahuli sa pulis na sangkot sa dr*ga.

Banta niya na may kasama pang mura, "I just hope that this will be the first and the last sa MPD. Kapag ako ang makakahuli sa inyo pap*tayin ko kayo mga put.... kayo."

Napag-alaman na 1995 nang ma-recruit sa pagkapulis si Rafael pero nag-AWOL ito habang nagte-training. naibalik siya sa serbisyo noong 2002 at naitalaga sa Caloocan Police, bago nalipat sa Traffic Sector 8.

Aalamin ng NCRPO kung muling nag-AWOL si Rafael dahil hindi niya alam ang pangalan ng kaniyang opisyal na si Danao, na katabi pa man din niya nang ipresenta siya sa media.



source:gma

0 comments

Post a Comment