Monday, 18 March 2019

WATCH | Umabot sa Sampalan ng Misis at Hipag Habang nasa Programa ni idol Raffy dahil sa Kabit ni Mister

 

Dumulog si Glenda Piawan sa Raffy Tulfo in Action at inireklamo si mister na si Gerardo Piawan, na isang PBA cameraman, dahil sa pangangabit.



Nalaman  na may hawak na ebidensiya si misis kung kaya't ganoon na lamang ang kanyang panggagalaiti nito.

Hinarap ni mister ang inireklamo ni misis pero kasa-kasama niya ang dalawang kapatid nang pumunta sa Tulfo.



Sabi ni misis sinanla daw ni kuya ang mga ari-arian nila nang di niya alam. Bukod dito, dinala pa raw ni mister ang ina at mga kapatid at ipinakilala kay kabit.

 Ayon naman sa mga kapatid ni kuya, minura daw kasi ni misis ang kanilang ina. Salungat naman ang pahayag ni Glenda dahil siya raw ang nilalait ng biyenan niya.



Ang isa pang isyu sa pagitan nila ay ang kanilang adopted na anak ay tunay na anak ng kanyang hipag na ibinigay lang sa kanila.

Ngayon, gustong kunin ni hipag ang anak niya pero ayaw sumama ng bata at mas gusto ay kay Glenda. Sabi pa ng bata, kung ibibigay raw siya sa tunay niyang ina, magpapakamatay na lang daw siya.



Sa huli, naayos din ni Tulfo ang gusot sa pagitan nila pero si misis at ang hipag niya ay di pa rin naayos. Humantong sila talaga sa sampalan at muntik nang magsabunutan! Buti na lang naawat ng Tulfo staff!

Watch the Video Here:



Here are some of the netizens comments:




Source: Facebook/Youtube/Raffy Tulfo in Action

2 comments:

  1. walang makialam na kapatid at sinong poncio pilato. its between wife and husband lang.wag magsasalita ang mga kapatid o kung sino

    ReplyDelete
  2. Ang bait naman ng bata...kahit nalaman nya kung cnu tunay na nanay nya ay c mommy parin pinili nya...magaling na bata wag mong iwanan mommy mo masasaktan sya paginiwanan mo mommy mo..tama ang desisyon mo bata ngaung malaki kana saka ka ngaun kunin ng tunay mong magulang anu sya senesuwerte.pinamigay ka nong maliit ka ngaun kunin ka dahil malaki ka na.love ka ng mommy mo para sa akin masmabait sya kaysa tunay mong magulang.

    ReplyDelete