Wednesday, 20 March 2019

WATCH | Modernong Agricultural Drone Sprayer, Sinubukan na sa Ilocos Norte


"Modernizing Agriculture!"Ganito ang mga salitang ginamit ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol nang ibahagi niya ang isang artikuo tungkol sa makabagong gamit pang-agrikultura.

Masayang nasaksihan ng mga kababayan nating magsasaka sa San Guillermo, San Nicolas Ilocos Norte ang unang paglipad ng isang “autopilot drone sprayer” nitong nakaraang Huwebes, mula sa ulat ng Philippine News Agency. Ang nasabing mekanismo ay may kakayahang makapagsaboy ng pataba sa lupa, herbicide, insecticides, seeds at aqua feeds, nang higit na mabilis kaysa sa tradisyonal na pamamaraan. Tumagal nang higit dalawang minuto ang nasabing drone demonstration sa sakahan.



Ang nabanggit na drone ay may kapasidad umanong magkarga ng 10 liters per load, at kayang mag-spray ng field crops na aabot sa 5000 square meters o kalahating ektarya ng lupain kada sampung minuto. Pinalilipad ang drone na ito ng isang lisensyadong pilot sa kaliwanagan ng umaga maging sa gabi.

Ayon kay Roger Barroga, Manager ng FutureRice farm program, at siya ring head ng Information System Division of the Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa Nueva Ecija, maituturing na isa na namang “milestone achievement” sa agrikulturang sektor ng bansa ang naturang drone sprayer, na malaki umano ang maitutulong upang mapagaan ang buhay at trabaho ng ating mga lokal na magsasaka.

Ipinaliwanag ni Barroga na kung ihahambing umano sa manu-manong spray operation, ang paggamit ng drone technology na ito sa pagsasaka ay isang epektibong paraan upang mabawasan ang gastos sa produksiyon ng mga magsasaka. Sa unang resulta kasi ng eksperimentong ginamitan ng drone tecnhology, napag-alamang higit na mababa ang volume ng pesticides na magagamit sa mga pananim.



Mula sa 160 liters na pesticide kada hektarya sa pamamagitan ng tradisyonal na paggamit ng knapsacks, napababa ito nang 16 liters lamang. Dagdag pa ni Barroga, kung dati ay isang buong araw ang itinatagal ng manual spraying, sa pesticide spraying-drone technology ay aabot lamang ito ng 16 hanggang 20 minuta kada ektarya ng lupa.

“Using autopilot drones can determine if the plant has the right nutrients, if it has enough fertilizer or its growth is stunted. And this could be done over a wide scale,” ani Barroga.

Sa kasalukuyan ay maaaring rentahan ang nasabing drone-spraying technology sa pamamagitan ng service providers na tinatayang P850 kada ektarya ng lupa.

Panoorin kung paano gumagana ang mga agricultural drone sprayer sa kaugnay na video.



Source: PNA | Sec. Piñol

0 comments

Post a Comment