Sunday, 17 March 2019

WATCH | Nag-Viral ang Video ng Babaeng di Umano'y Sinapian ng mga Duwende


Marami ang naniniwala na totoo ang video na ito ng babaeng di umano'y sinaniban ng duwende. Sa video na binahagi ng Facebook KMJS, makikita ang babae na nagpapagpag ng kanyang katawan habang kinakausap ng lalaking "manggagamot.


" Sabi ng "duwendeng" kausap ng manggagamot, galit daw umano ito sa lalaking pumutol ng punong mangga na kanilang tinitirahan. Mainit na raw kasi roon kaya nahihirapan na silang manirahan pa sa ponagputulan ng punong mangga.

Tinanong naman ng manggagamot kung bakit ang babae ang kanilang ginagambala gayung sa lalaking nagputol ng puno pala sila galit. Mahina raw umano ang babae kaya madali nila itong napasok at pumayag daw umano ang mga ito na putulin ang puno na malapit kasi sa kanila.


Paulit-ulit na nagpapagpag ang babae ng kanyang katawan habang sinsabi na wala na silang tirahan. Sinagot ito ng manggagamot na wala na silang pakialam sa kung saan man titira na ang mga duwende at tinakot na niya itong papatayin kung di pa nila lubayan ang babae.

Masasabing pinahirapan daw umano talaga ang babae ng mga duwendeng sumapi rito dahil nagkasakit ito, di makalakad at di na rin nakapagtrabaho. Nakuha pa ng manggagamot ang pangalan ng duwende na si "Jose." Siya raw ang pinuno ng kanilang grupo at aminado na siya rin ang "salbahe" sa kanila. Sinabi pa umano ng duwende na siya ang pinakamatanda sa kanila.


Natataranta ito na pinagmamadali pa ang mga kasama na tanggalin ang nilagay na pahirap sa babae sa takot na baka patayin sila ng manggagamot. Di na pinakita pa sa video kung ano na ang nangyari matapos paalisin ang elementong sumapi sa kanya. Samantala, karamihan sa mga netizens na nakapanood ng video ay naniniwalang totoo ang pagsanib na nangyari sa babae.

Watch the Video Here:



Here are some of the netizens comments:



Source: Facebook

0 comments

Post a Comment