Monday, 4 March 2019

WATCH | Nagimbal ang mga Netizen at Housemate sa Halikan nina Lou At Andrei sa PBB Otso

Nag-trending ang viral 'first kiss' ng LouDre, Lou Yanong at Andrei Brouillette, sa loob ng PBB Otso,Nagising ang interes ng madlang netizens dahil sa kontrobersyal na “unang halik” ng dalawang PBB housemates na sina Lou Yanong at Andrei Brouilette kamakailan. Marami ang tumaas ang kilay at nagbigay ng kanilang reaksyon tungkol sa extra sweetness na ipinakita ng dalawang housemate.

Ang nasabing halik, na agad naging viral sa social media, ay umani ng 280K views ilang oras matapos itong i-upload sa Facebook. Nagkaroon din ito ng 6K reactions at shares na umabot din ng 10K. Ito ay naganap matapos ang get together party sa bahay ni kuya, kung saan uminom ng alak ang mga housemates.

Here's the original post:


Dala marahil ng impluwensya ng alak, makikitang naglalampungan sina Lou at Andrei at makikitang hinalikan nila ang isa’t -isa ng makailang beses. Nagpatuloy din ang kanilang ginagawa matapos nilang lumipat sa pool, dahilan upang pigilan sila ng ibang housemates.

Ayon sa ibang housemates, hindi maganda ang ginawa ng dalawa sapagkat hindi lang sila ang nanduon, at sila ay nasa bahay ni Kuya. Kaisa sila sa pagsasabing tila nawalan ng kontrol ang dalawa dahil sa kalasingan, lalo na’t wala naman relasyon ang dalawa. Hindi ito magandang ehemplo para sa mga manunuod lalo na ang mga kabataan na tumitingala sa kanila.
Ayon naman sa isa, hindi lamang sanay ang ibang housemates na makakita ng dalawang taong nakainom at sobrang malapit sa isa’t isa. Depensa nito, pareho namang adult ang dalawa at may karapatan silang gawin anuman ang gustuhin nila, at wala namang masama sa kanilang paghalik sa isa’t-isa.

Watch the Video Here:



Sila Lou at Andrei ang dalawa sa mga paboritong housemates sa bahay ni Kuya, at ito nga ay marahil sa namumuong pagtitinginan nila. Marami ang nagsasabing malaki ang posibilidad na isa sa kanila aqng manalo ng nasabing reality show.
Ayon naman sa mga netizens, medyo lumampas na nga sa linya ng moralidad ang ginawa ng dalawa, lalo na kung iisipin na marami ang mga menor de edad na naunuod ng nasabing Reality show, at maaaring maging masamang ehemplo sila sa mga ito.

Here are some of the netizens comments:


Source: Facebook/Youtube

0 comments

Post a Comment