Monday, 18 March 2019

WATCH | Christine Silawan at ang svspek nakita pa sa CCTV na nag-aaway sa iskinita


Sa pamamagitan ng isang press conference, ibinahagi ng ilang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang imbestigasyon sa kaso ng pa6p4tay kay Christine Lee Silawan.

Ayon sa NBI, nakatulong ang kanilang mga nakuha mula sa Facebook account ni Christine. Isang person of interest ang lumabas mula rito. Una nang naibalita na kinumpirma na ng NBI ang pagkakadakip sa svspek sa pa6p4tay kay Christine.

Positibo rin itong kinilala ng ilang witness na siyang kasama ng biktima noong gabi ng Marso 10, 2019. Napag-alaman rin na mayroong relasyon ang biktima at ang person of interest base sa kanilang pag-uusap sa Facebook Messenger.



Lumabas rito na may usapang magkita ang dalawa noong Marso 10 sa simbahan sa Pajac bandang 6:00 ng gabi. Ilang larawan rin na kuha mula sa mga CCTV sa lugar ang ibinahagi ng NBI. Mula sa kuha noong 5:50 ng hapon.

Makikita si Christine kasama ang kanyang kaibigan na kumakain ng balut. Bandang 6:00 ng gabi, unang nakita ang person of interest sa isang CCTV papunta sa simbahan sa Pajac. Base sa oras sa CCTV, 6:12 ng gabi, nakita si Christine na lumabas mula sa simbahan ilang minuto pagkatapos nitong pumasok kasama ang kaibigan.

Maya-maya pa'y nakita na si Christine kasama ang person of interest na naglalakad magkasama. Sa huling larawan na kuha sa CCTV, nakita ang dalawa sa isang lugar malapit sa bakanteng lote kung saan natagpuan ang bangkay ni Christine.



Base sa post martem findings, namatay ang dalaga bandang 6:00 hanggang 7:00 ng gabi. Ayon naman sa resulta ng Medico-Physical na ginawa sa person of interest, mayroon itong mga marka ng kalmot sa kaliwang braso na tumutugma sa tagal mula nang maganap ang krimen.

Nilinaw ng NBI na ito lamang ang taong huling nakita na kasama ni Christine noong Marso 10, mga sandaling huling nakita na buhay pa ang dalaga. Positibo rin itong kinilala ng mga witness. At hindi na muli pang nakita ang dalawa simula nang huling makunan ito ng CCTV malapit sa lugar kung saan nakita ang bangkay ng biktima.

Narito ang buong kuha sa press conference mula sa Cebu Daily News:



Here are some of the netizens comments:



Source: Facebook/cebudailynews

0 comments

Post a Comment