Sunday, 24 March 2019

Watch! "Paysbook" Hindi Rehistrado sa SEC at BIR ayon kay Idol Erwin Tulfo! Amy Perez Mariing itinanggi sa kanyang Instagram Post na kasali siya sa Paysbook!


Pinag-iingat ngayon ni Erwin Tulfo ang mga netizens tungkol sa Paysbook na aniya iligal na kumpanya dahil wala umano itong rehistro sa Securities and Exchange Commission at Bureau of Internal Revenue.

Isiniwalat din ni Tulfo na ginamit umano ng ilang miyembro ng Paysbook ang litrato ng TV host na si Amy Perez para makapag-recruit ng miyembro. Nilinaw naman ng TV host na wala siyang koneksyon sa Paysbook.


Tinanggihan ng Kapamilya Star na si Amy Perez ang kanyang koneksyon sa "Paysbook" at tinawag ang atensyon ng DTI matapos gamitin ang kanyang mukha upang i-endorso ito nang walang pahintulot sa kanya.

Sa pagiging pamilyar na mukha sa publiko, ito ang pangunahing dahilan kung bakit meron silang mga trabaho sa pag-eendorso ng kung anu-anong produkto.



Ginamit ang kanyang larawan kasama ang kanyang tagahanga para isama sa caption ng "Paysbook" pero lingid ito sa kanyang kaalaman. Hanggang sa nakita niya ang mga post na ito sa Facebook na sinasabi ng mga netizens na gumagamit siya ng Paysbook at kabilang sa grupo na ito.

Mariing itinanggi ni Perez sa kanyang Instagram Post na kasali siya sa Paysbook.


Ayon sa post ni Tyang Amy, “May mga kumakalat na larawan ko ngayon sa FB kasama ang ilang tao na tila nang-e-engganyo na sumali sa kanilang negosyo na “PAYSBOOK” nililinaw ko po na WALA akong koneksyon sa nasabing grupo sila po ay nag pa picture lamang sa akin nung nakasabay ko sila sa Airport at ngayon ay ginamit na nila ito upang makahikayat ng members katulad ng sinasabi nila sa mga caption nila.”

Ayon sa FB page ng Paysbook affiliate, “a combination of the 3 MOST INNOVATIVE INTERNET BUSINESS in the world today SOCIAL MEDIA PLATFORM, E-COMMERCE SYSTEM and AFFILIATE MARKETING PROGRAM.”

Sila ay kumikita sa pamamagitan ng mga affiliate accounts na may activation fee sa halagang 1,000 pesos at may 300 pesos sign-in reward.

Panoorin ang Video:


Basahin ang reaksyon ng mga netizens tungkol sa pahayag ni Amy Perez na ginamit ang kanyang larawan ng walang pahintulot para iindorso ang Paysbook:








Source:facebook

0 comments

Post a Comment