Tuesday, 9 April 2019

LOOK | 14-anyos na Dalagita natagpuang p4tay sa Poso Negro, Manliligaw na Sekyu ang Suspek


Ayon sa mga pulis sa Danao City, posibleng may kinalaman ang security guard na si Jessie Montes Mediquillo, 36-anyos, sa pagkamatay ng 14-anyos na si Thesa Marie Ygay.

Noong Lunes, Abril 8, natagpuan ang katawan ni Ygay sa loob ng poso negro ng Cogon Cruz Intergrated School kung saan nagta-trabaho si Mediquillo.

Biyernes, Abril 5, bandang 7:00 ng gabi huling nakita si Ygay kasama ang suspek sa loob ng guard house ng nasabing eskwelahan ayon sa ilang witness.



Abril 6 nang ma-i-report ang pagkawala nito. Habang may mga dugo namang nadiskubre sa loob ng guard house.Ayon sa ulat ng Cebu Daily News, napag-alamang ang suspek na pala ang nagbabayad sa ilang bayarin ng biktima sa eskwelahan.

Kaibigan umano ito ng tatay ng biktima at nang mag-dalaga ito ay doon na umano nagkaroon ng damdamin ang suspek para rito. Madalas rin umanong magkita ang dalawa sa guard house ayon sa report.



Tinatakot umano ng suspek na papatayin ang pamilya ng biktima kapag hindi ito sumipot. Bukod rito, may blotter report na rin ang suspek dahil minsan umanong inahit nito ang buhok ng biktima.

Nagagalit umano ito kapag umaalis ang biktima ng walang pahintulot mula rito. Sabi sa report, hinayaan na lang ng ama ng biktima ang "relasyon" ng mga ito dahil wala itong trabaho at inisip na lang umano na mas makakabuti ito sa kanyang anak.

Watch the Video Here:



Here are some of the netizens comments:




Source: Facebook/SunStar Cebu

0 comments

Post a Comment