"Matandang nagtitnda ng saging binayaran ng 1,000 na peke"

Isang matandang lalaki ang nabiktima ng mga walang pusong mandarambong matapos siyang bayaran ng pekeng pera ng taong bumili sa kanya ng ...


Isang matandang lalaki ang nabiktima ng mga walang pusong mandarambong matapos siyang bayaran ng pekeng pera ng taong bumili sa kanya ng saging. Ito ay nangyari sa Minglanilla, Cebu sa mismong araw kung saan ginugunita natin ang muling pagkabuhay ni Hesus.

Hindi mapigil ang lungkot at galit ng netizen na si An Ge Li matapos niyang malaman ang istorya ng isang matandang lalaki na nagtitinda ng saging sa New Market Place sa Minglanilla, Cebu. Ayon sa mga nakasaksi, bumili ang suspek ng saging na nagkakahalagang 100 piso at nagbayad ng pekeng 1000 peso bill.


Ang kawawang matanda ay walang kaalam alam na peke ito kung kaya’t sinuklian niya ito ng 900 piso mula sa kanyang benta. Iniwan diumano ng suspek ang saging at dali daling umalis para tumakas matapos makapanloko.


Sa kagustuhang maipaalam sa publiko ang mga modus ng mga manloloko ngayon, ay nagpaalam ang netizen na si An Ge Li na kuhanan ng larawan si lolo at ng maihayag ang nangyari sa kanya sa social media. Nagpaunlak naman si lolo na makunan ng litrato at makikita sa mukha nito ang lungkot dahil sa pagkawala ng perang pinaghirapan nito.

Masakit talagang isipin na mayroon pang mga taong pilit na isinasadlak ang kanilang sarili sa putik sa paggawa ng mga panlolokong tulad nito. Ang mas masakit pa dito ay pinipili pa nilang lokohin ang mga taong katulad nila ay salat din sa kahirapan. Katulad na lamang ni lolo na marangal na naghahanap buhay sa kabila ng edad nito at kahinaan.


Nadurog ang puso ng mga netizens na nakabasa ng nangyari kay lolo. Matinding galit at poot naman ang naramdaman ng netizens sa mga lumoko sa matanda. Marami ang nagsabi na hindi magtatagal ay makakarma rin ang mga manlolokong iyon at mas malaki pa ang mawawala sa kanila.

Samantala, bumuhos naman ang suporta ng mga netizens sa kawawang matanda, mayroong iba na nagbigay ng konting tulong para sa kanila. Ito ay ipinadaan sa uploader na si An Ge Li, kung kaya’t bumalik ito sa palengke upang hanapin ang matanda at ibigay ang konting tulong mula sa mga mabubuti nating netizens.




Source: Facebook

COMMENTS

Name

Health,6,News,26,video,65,Viral,228,
ltr
item
ViraL Today: "Matandang nagtitnda ng saging binayaran ng 1,000 na peke"
"Matandang nagtitnda ng saging binayaran ng 1,000 na peke"
https://2.bp.blogspot.com/-8b33U_GLuyM/XMEW-pv1EiI/AAAAAAAACiM/LvFcQOe4_1g6R9SJEnUjRVijD-dltGdMQCLcBGAs/s1600/tay1.png
https://2.bp.blogspot.com/-8b33U_GLuyM/XMEW-pv1EiI/AAAAAAAACiM/LvFcQOe4_1g6R9SJEnUjRVijD-dltGdMQCLcBGAs/s72-c/tay1.png
ViraL Today
http://www.philnewstoday.com/2019/04/matangdang-nagtitnda-ng-saging.html
http://www.philnewstoday.com/
http://www.philnewstoday.com/
http://www.philnewstoday.com/2019/04/matangdang-nagtitnda-ng-saging.html
true
8266836349857050181
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy