Tuesday, 16 April 2019

(Story) 12-Anyos na Dalagita, Nakaligtas sa Panggaga'hasa dahil ‘di Tinigasan ang Suspek


Dumulog sa Bombo Radyo Cebu ang pamilya ng isang 12-anyos na dalagita na tatangkain sanang gahasain sa bayan ng Badian, Cebu.

Kuwento ng ina ng biktima, inutusan umano niya ang kanyang anak alas-6:00 ng gabi noong Abril 12 at habang naglalakad umano ito may isang lalaking may takip ang mukha ang biglang humarang sa biktima at hinold-up ito.

Dahil P20 lang ang dala ng dalagita, dinala umano ito ng suspek sa lugar kung saan may maraming tanim na kawayan at doon sana hahalayain.
Base naman sa salaysay ng biktima, hinubaran siya ng suspek ngunit hindi agad nito nagalaw ang bata dahil hindi tumigas ang ari nito.



Kaya naman, nakatakbo ang biktima na walang pang-ibabang suot at humingi ng tulong sa kanilang kapitbahay.

Positibo naman umanong tinumbok ng biktima ang suspek nang magsumbong ito sa pulis ngunit hindi umano agad ito hinuli.

Paliwanag ni SMSgt. Josefina Beriameo ng Women’s Desk sa Badian PNP, tila hindi raw kasi consistent ang statement ng biktima kaya pinakawalan muna nila ang suspek.

Hustisya ang sigaw ng ina ngayon ng biktima kaya ito humingi ng tulong sa Bombo Radyo lalo na’t na trauma at hindi makatulog ng maayos ang kanyang anak.

Iniimbestigahan naman ngayon ng Badian PNP ang nasabing pangyayari.

Here are some of the netizens comments:







Source: Facebook/bomboradyo

0 comments

Post a Comment