Sunday, 21 April 2019

(Video) 21-anyos na babae, Nabulag ang isang mata matapos maglaro ng Mobile Game halos buong araw


21-anyos na babae ang naglalaro ng mobile game mula 7 hanggang 8 oras kada araw, Dahil sa labis na paglalaro, nabulag ang kanyang kanang mata, Ayon sa mga doktor, irreversible o permanente na ang damage na ito.

Maraming Pinoy ang nahuhumaling sa paglalaro ng mga online games sa kanilang mga cellphone. Maituturing na stress reliever at pampalipas oras kasi ito, pero kailan nga ba ito nagiging masama at puwedeng magdulot ng peligro sa katawan?



Ang 21-anyos na babae ang nagtamo ng permanenteng pagkabulag sa kanyang kanang mata matapos
niyang maglaro ng sikat na mobile game na King of Glory buong araw.

Ayon sa report ng The Asian Parent, na-diagnose ang babae ng retinal artery occlusion o ang permanenteng pagkabulag ng mata. Aminado naman ang biktima na nagsisisi siya sa mga nangyari at sana raw ay nakinig siya sa kanyang mga magulang.



" Sometimes I lose track of time, I don't eat even when my parents ask me to. "
" Now I feel afraid and regret (for not listening to them). "

Upang makaiwas sa labis na pagka-strain ng mga mata, ugaliin ang 20-20-20 rule. Sa bawat 20 minuto na paggamit ng cellphone, laptop, o panonood ng TV, tumingin sa malayo na may at least 20 feet ang sukat sa loob ng 20 segundo. Malaki ang matutulong nito upang maka-relax ang mga mata.

Watch the Video Here:



Here are some of the netizens comments:







Source: Youtube/KAMI

0 comments

Post a Comment