Tuesday, 16 April 2019

(Video) MSWD, Iginiit na Maayos ang 2-anyos sa Piling ng Tatay sa Kabila ng Nag-viral na Larawan ng Tangkang Pagbigti sa Bata


Pangalawang Yugto ng nagviral na panawagan ng isang ina sa social media na tulungan ang 2-anyos na anak, Nang makausap ni Idol ang MSWD, sinabi ng MSWD na sa kanilang assessment, mabait daw ang tatay sa anak niya, Sinabi ni MSWD Chief ng Dulag, Leyte na batay sa assessment daw nila, safe naman daw yung bata sa ama nito.

Nag-viral ang litrato ng isang 2-anyos na nakapatong sa plastic stool at may tali ang leeg na parang magbibigti, makikitang ito ay pinost ng sariling ina ng bata upang makahingi ng tulong na makuha ang anak sa piling ng ama.


Ang anak daw niya ay pinapahirapan ng ama sa tuwing hindi makakapagbigay ang inang OFW ng pera. Nakarating ang panawagang ito kay Idol Raffy na siya namang umaksyon agad at ipinaalam sa nararapat na mga ahensya ang sitwasyon ng bata.

Nakausap ni Idol ang MSWD Chief ng Dulag, Leyte na si Mildred Matol at sinabi niyang base sa aktwal daw na assessment ay hindi natatakot ang bata sa tatay. "Extremely opposite ang makikita sa aktwal, maganda ang relationship sa father," ito ang sinabi ni Matol.

Here's the original post:



Pinapakain daw ang bata, at sinusubuan. Tatay daw niya ang tatawagin niya kung iihi siya or para magbukas ng kendi. "Yung walang takot na relationship between father and daughter, yun ang nakita sa bahay nila."

 "Batay sa nakikita namin sa aktwal, yun ang basis namin for assessment na yung bata ay safe na nandun sa tatay niya. Iginiit pa ng MSWD Chief na licensed social worker daw siya at yun ang lumalabas sa assessment nila.

Watch the Video Here PART 1:



Watch the Video Here PART 2:



Here are some of the netizens comments:







Source: Facebook/Youtube/Raffy Tulfo in Action 

0 comments

Post a Comment