Wednesday, 10 April 2019

WATCH | Certified Fvck Boy - 22 ang kanyang kabit at ang latest binigyan nya ng tindahan sa tapat mismo ng pwesto ni legit!


Palaging rason at dahilan ng paghihiwalay ng isang mag-asawa ay dahil sa pangangaliwa. May mga tao kasing hindi makuntento sa kanyang isang asawa kung kaya’t naghahanap pa ng iba.

Hindi nila kayang pigilan ang tuksong lumalapit sa kanila kahit may asawa at anak na. Bagamat may kaukulang parusa para sa mga taong napatunayang nangangaliwa, pinipili pa rin ng kanilang mga asawa na huwag nang sampahan ng kaso ang asawa nilang nagkasala.

 

Pero minsan, kapag sobra na, hindi na nila natitiis ang pangloloko ng kanilang asawa. Ganito ang nangyari kay Ellenor Saguion. Malamang sa malamang ay masakit na ang malamang may isang kabit ang iyong asawa,

Ngunit ano kaya ang pakiramdam kung 22 ang kabit ng iyong asawa at ang isa pa sa kanila ay nasa tapat lamang ng bahay niyo. Si Ellenor ay asawa ni Alex Saguion, ang taong kanyang inireklamo sa programa ni Raffy Tulfo.

 

Bagamat tanggap niyang may mga kabit ang kanyang asawa, hindi na kinaya ni Ellenor ang pang-insultong nararamdaman ng lumipat si Chanda Abnuja, ang kabit ng kanyang asawa, sa tapat mismo ng kanyang tindahan at magbukas rin ito ng tindahan.

Dahil dito, kinailangan niyang tiisin na makita ang kanyang asawa at ang kabit nito araw-araw. Kinailangan lamang manindigan ni Ellenor para sa kanilang apat na anak.

 

Naging tahimik raw siya noong una sa pangangaliwa ng kanyang asawa ngunit sa pagkakataong ito, tila naputol na ang kanyang pisi sa ginawang kalokohan ng kanyang asawa. Hindi niya rin naisip na kasuhan ang kanyang asawa sa ginawa nito dahil matanggal na nga niyang tanggap ang ginagawa nito.

Dahil dito, kinausap ni Tulfo si Alex tungkol sa reklamo ni Ellenor para marinig ang kaniyang panig. Pero laking gulat ng lahat nang sabihin ni Alex na sa tingin niya’y wala namang masama sa kanyang ginagawa.

 

Sinabi rin ni Chanda na hindi sila basta-bastang pwedeng umalis doon dahil matagal na aniyang nakatayo ang tindahan nila doon. 4 na buwan rin raw ang bubunuin para makalipat sila. Dahil dito, pumayag si Ellenor sa gusto nila ngunit humingi siya ng isang kondisyon na sana hindi na sila makita ni Ellenor araw-araw.

Pero para mas palalain pa ang problema, sinabihan ni Chanda si Ellenor na dapat tumigil na ito sa paghingi ng pera kay Alex para sa mga bata. Hindi ito sinang-ayunan ni Raffy dahil kasal pa rin sina Alex at Ellenor at obligasyon ni Alex na bigyan ng ayuda ang kanyang mga anak.

 

Sana, magkaroon man lang ng respeto sina Alex at Chanda kay Ellenor lalo na at siya pa rin ang nag-aalaga sa kanilang apat na anak habang may kinakasamang iba si Alex.

Watch the Video Here:



Here are some of the netizens comments:



Nagustuhan mo ba ang iyong napanood na Eksena ano ang masasabi mo o maibibigay mong Moto para sa mga babaero?

Source: Facebook/Youtube/Raffy Tulfo in Action

0 comments

Post a Comment