Monday, 8 April 2019

WATCH | Customer na Nag-amok Matapos Magawa Agad ng Technician ang Kanyang Cellphone!


Nag-viral ngayon sa Facebook ang isang video ng tila pag-aalburoto ng isang lalaki na nagpagawa ng kanyang cellphone sa isang technician.

Nakuhaan sa video ng isang netizen ang paghahamon ng isang lalaki na diumano ay naggalit nang singilin ng technician matapos nito mapagana ang kanyang mobile phone. Giit ng lalaki,

wala pang sampung segundo nang mapagana ang kanyang telepono ngunit sinisingil na agad ito ng 300 pesos. Sa video ay inaaya ng lalaki ang kasagutang technician na magbabayad ito sa barangay. Aniya ay tila ambilis nito nagawa at pumindot lang saglit sa telepono ay napagana na ito.



Ayon sa technician, pinindot lamang nito ang volume down at power at napagana na ang telepono sa mabilis na oras. Na sya namang kinagagalit ng lalaki nang singilin na ito sa usapang bayad. Ayon sa post ng uploader, naghamon pa ito at nagtangka na pasukin ang technician sa loob ng kanyang booth.

Inulan naman ng batikos mula sa mga netizen ang nasabing lalaki sa viral video. Anila ay dapat tumutupad ito sa usapan nila ng gagawa. Dapat umano ay pinatagal pa umano ng technician ang mabilis sanang pag-aayos nito upang masatisfy umano ang nagaamok na lalaki.



Hirit naman ng iba, tila walang pambayad ang lalaki kaya idinadaan nito sa galit at angas ang technician. Natural lamang umano na mabilis gawin ang mga simpleng problema sa telepono kaya naman hindi kataka-taka na magawa agad ito ng technician.

Tila naman wala nang nagawa ang technician maliban sa pagtatanggol ng kanyang sarili at sa serbisyo nitong ginawa para maayos ang telepono ng lalaki.



Ayun nga lang ay dapat tumupad ang lalaki sa napagusapan nila na presyo dahil napagana naman nito at naayos ang problemang teknikal. Saad naman ng iba, dapat ay nag-research na lamang sa Google ang lalaki at hindi na lamang nagpagawa kung ayaw nito magbayad.

Ang teknikal na problema sa mga telepono ay madali nang nalulunasan at nareresolba sa panahon ngayon. Dahil sa advanced technology ay instant na ang maraming bagay. Marami na ang mga shortcuts at madaling paraan na magayos ng telepono

Watch the Video Here:



Video of  Netizens Reaction:



Here are some of the Netizens comments:



Ano ang masasabi mo tungkol dito? huwag mag-atubiling mag-iwan ng iyong mga komento at mga reaksyon sa artikulong ito.

Source: Facebook/San JuanHenyo

1 comments:

  1. Pinatunayan lang naman nung customer na lugaw... Lugaw nag utak nya!!! Eh di sana nag-google nalang siya kung pano nya aayusin phone nya. Isa siya sa malaking kupal ng Lipunan..

    ReplyDelete