Saturday, 13 April 2019

WATCH | Foreigner na Naka-bike, Hinabol ang isang Puting Van para ibalik ang basurang itinapon sa kalsada


May kasabihan nga na “Ang basurang itinapon mo ay babalik sa’yo.” sa sakay ng isang van matapos habulin ng isang dayuhang nakabisikleta para ibalik ang basurang itinapon niya sa kalsada.

Sa panayam sa sakay ng bisikleta na si Frank Schuengel, nakita niya ang sakay ng van na nagtapon ng basurang nakalagay sa plastic. Dahil mabagal ang daloy ng trapiko, kinuha ng dayuhan ang basura at hinabol ang van para ibalik sa kanila ang basurang itanapon.



“This is not a bin. Don’t throw that out. Don’t do it,” madidinig sa video ni Schuengel. Sinabi ni Schuengel na hindi siya natatakot sa mga taong nagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar. “We all should look after the world we live in.

So I’m not afraid of the people who throw their rubbish out, they should be afraid of everyone else giving it back to them. That’s how it works,” sabi niya.

Aminado naman si MMDA Spokesperson Celine Pialago, na nalulungkot siya dahil ang mga Pilipino ang dapat na mas nagpapakita ng pagpapahalaga sa kalinisan sa ating bayan. “Nakakahiya pero ho napakagandang action ho ‘yon na ipamukha ho natin sa nagkalat na ito basura mo itapon mo,” anang opisyal.



Aniya, sa unang bahagi pa lang ng taon, umabot na raw sa 4,316 ang nahuhuli ng MMDA sa kanilang anti-littering operations. “Mayroon pong dalawang pagpipilian ‘yung violator, una it’s either magbayad sila ng P500 na kailangan mag-settle sa MMDA, and community service nila sir e sila ‘yung pinagwawalis natin,” ayon kay Pialago.

Gayunman, may mga nahuhuli umano na matapang pa at nagbabanta sa mga enforcer. At mayroon din umanong pinapansin ang tiket na ibinibigay sa kanila. “Plano nating ikabit ‘yung pangalan nila sa NBI para magkaroon ng hassle sa pagkuha ng NBI clearance. Iisip po tayo ng panibagong puwede idagdag du’n sa mga violators,” sabi ni Pialago.

Watch the Video Here:



Here are some of the netizens comments:



Source: Facebook/philnetizen/VISOR

0 comments

Post a Comment