Monday, 1 April 2019

WATCH | Huli Sa CCTV ang Lalaking Nag Astang Syota ng Babae, naGwapuhan Daw si Ate kaya Sumama ito


Isang babae na magsisimba sa Quiapo, Manila ang natangayan ng pera ng lalaking napagtanungan niya ng direksyon. Ang suspek na mayroon daw hitsura, nag-astang nobyo ng biktima na nagmagandang-loob kunwari na sasamahan ang babae.



Sa ulat ni Jun Veneracion sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, nakita sa CCTV ng barangay ang suspek at biktima habang naglalakad sa kalsada na mapagkakamalang magkasintahan.

Bukod sa magkahawak-kamay sila sa paglalakad, may pagkakataon pang umaakbay ang suspek sa biktima.



Ayon sa babae, nakita niya ang suspek sa isang mall sa Ermita at napagtanungan niya ng direksyon papunta sa simbahan ng Quiapo.

Nag-alok daw ang lalaki na samahan siya pero dumaan muna sila sa isang optical shop dahil may daw itong sisingilin.

Nang pumayag ang babae, nanghiram ang suspek ng P2,500 dahil kailangan daw niya ng panukli.



Hindi naman nagduda ang babae at ibinigay ang pera habang naghihintay sa labas ng optical shop.

Lingid sa kaniyang kaalaman, dumaan na sa kabilang pinto ang lalaki tangay ang kaniyang pera.

Nakunan pang tumatakbo ang lalaki palayo sa tindahan.

Huli na nang madiskubre ng babae na iniwan at naloko siya ng suspek.



"Ang sabi n'ya raw po kasi 'yung hitsura ng lalaki guwapo ganun," ayon kay Anthony Sta. Maria, executive officer ng Brgy. 307, Zone 30.

Paalala ng mga awtoridad, mag-ingat sa pakikipag-usap sa mga hindi kakilala at huwag magpalinlang sa panlabas na hitsura.

Watch the Video Here:



Here are some of the netizens comments:




Source: GMA News

0 comments

Post a Comment