Saturday, 6 April 2019

WATCH | Pinaghahanap na ng Pulisya ang Lolo na Nang-m0lestiya ng Bata sa Loob Mang Inasal na Lay Minister Pala ng Quiapo Church


Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang isang 69-anyos na lay minister sa Quiapo Church na nakunan ng video habang minomolestiya ang isang batang babae.

 Hawak na ng pulisya ang orihinal na kopya ng video kung saan makikita ang ginawang pangaabuso sa menor de edad na babae.

Kinilala ang suspek na si Victorino Abot Jongco, 69-anyos, na isang lay minister ng Quiapo Church. Makikita sa video na nasa isang fast food chain na Mang Inasal nang gawin ang kahalayan.

Natunton ng pulisya nitong Biyernes, Marso 5, ang 12-anyos na babe na nakilala ng ilang mga tauhan ng Quiapo Church. Nagbigay na ng pahayag ang bata sa pulisya, kasama ang kanyang lola.

Ayon sa batang biktima, hindi raw bababa sa tatlong beses nangyari ang panghahalay na ginawa ng lay minister.


“Iniwan kasi siya ng lola niya sa simbahan tapos maglalaba, so naging familiar na sa kanya ang mga tao sa simbahan,”

Paliwanag ni Manila Police District (MPD) Quiapo station commander Police Major Melvin Florida.

Umani ng matinding pambabatikos ang isang video na kuha ng isang netizen. Makikita sa nasabing video ang pangmomolestiya ng isang matandang lalaki sa batang babaeng katabi nito sa isang kainan.

Makikita din sa video na may mga ibang taong naroroon ngunit dahil hindi masyadong nakikita ang ginagawa ng matanda ay wala ding reaksiyon ang ibang tao sa paligid.

Watch the Video Here:



Here are some of the netizens comments:



Source: Facebook/GMA News

0 comments

Post a Comment