Thursday, 16 May 2019

Neri Colmenares Tinawag na bulok ang sistema ng halalan at malawak ang dayaan sa eleksyon sa ating Bansa!


Sa kabila ng pagconcede ng mga kapwa tumakbong senador sa nagdaang halalan ay nagpahayag naman ng hindi magcoconcede si Bayan Muna Chairman na si Neri Javier Colmenares.

Sa kanyang Twitter post ay nagpahayag ito ng matinding paninindigan para sa ipinaglalaban.

“How can I concede to a rotten electoral exercise that has basically deceived, bribed, intimidated and manipulated our people into electing the worst kinds of leaders imaginable? I cannot.”

Tinawag nitong bulok ang sistema ng halalan at malawak ang dayaan sa eleksyon sa ating bansa. Sa partial at unofficial result na inilabas kahapon ng alas-singko ay makikita na nasa ika-24 na pwesto ito at malayo sa top 12. Hirit nito ay mas madali tanggapin ang isang pagkatalo kung ito ay idinaan sa patas at malinis na pamamaraan. Aniya, 


“It would have been easy to concede had I lost in a fair and honest elections. But this year’s elections were hardly fair or honest.”

Giit ng human rights lawyer, matalo man ito sa bilangan ay tuloy pa din ang laban nito.

“I may have lost the count. But I will not be defeated. We will continue the fight for democracy, national sovereignty and social justice. Tuloy ang laban!”

Binweltahan naman ng mga netizen ang pahayag ni Colmenares ukol sa pagiging bulok diumano ng sistema ng halalan sa bansa. Disin sana ay hindi nalang umano ito tumakbo bilang senador kung sa tingin nito ay bulok ang pamamahala sa halalan. Dapat rin ay tumigil na umano sa pagtakbo sa posisyon sa gobyerno si Colmenares dahil sa paulit-ulit na pagkatalo lamang nito. Anila ay palagi ito nasa bottom sa bawat eleksyon na lahukan nito. 

Giit pa ng netizens, kapag umano ay natatalo ang oposisyon ay palagi na lamang sinasabi na dinadaya sila. Ngunit kapag pumabor sa kanila ay nagbubunyi ang mga ito. Ang hiling ng netizens ay dapat tanggapin ng mga natalong candidates ang kanilang pagkatalo. 



Marami ang naghahangad ng pagbabago sa nagdaang eleksyon kamakailan lang. Ang resulta ng naging botohan ay naging malaking kontrobersiya at nagdulot ng hidwaan sa partikular na pananaw ng mga tao higit pa sa mga botante.


source:facebook

1 comments:

  1. we are in a democracy colmenares, kaya nga nakakapagsalita ka pa rin ng against sa gobyerno kahit na wala kang proof. subukan mo gawin yan sa middle eastern country kulong k agad.

    ReplyDelete