Monday, 27 May 2019

(Photo) Lola na Naka-Wheelchair Habang Nangangalakal, Emosyonal na Humihingi ng Tulong


Makikita sa mukha ng matanda ang hirap ng kanyang kalagayan, Marami namang netizen ang nais tumugon sa paghingi nito ng tulong.

Kaawa-awa ang kalagayan ng isang matanda sa San Jose del Monte Bulacan Muzon na mag-isang nangangalakal ng basura habang naka-wheelchair.



Binahagi ng netizen na si Al Vincent Antonio ang larawan ng matandang ito na emosyonal na humihingi ng anumang tulong.

Nalaman na di alam ng mga kamag-anak ng matanda na ganito na ang sinapit niya kaya naman binahagi ng netizen ang larawan nito.



Di nga lang nakuha ni Al ang pangalan ng matanda na bakas na sa kanyang mukha ang hirap ng kanyang kalagayan. Nakabahala naman ang mga netizens na nagpahayag ng kanilang pagtulong kay lola sa anumang paraang kaya nila.

Samantala, sa komento ng isa sa nakapagbigay mismo ng tulong sa matanda, nabanggit na na-stroke pala ito at maraming apo na binubuhay.



Mas lalong dapat daw itong tulungan dahil kailangan na ring maibalik ang lola sa doktor upang matingnan ang kondisyon nito.

Umabot na sa mahigit 20,000 na reactions, 8,300 comments at 31,000 shares ang naturang post at sana'y dinagsa na rin ng tulong ang matanda.

Ilan sa mga gumagamit ng social media ay nagpahayag din ng kanilang mga reaksyon sa ukol sa Post:







Source: Facebook/Al Vincent Antonio

Ano ang masasabi mo tungkol dito? Huwag nang mag-atubiling iwanan ang iyong mga komento at mga reaksyon sa nasabing artikulo.

0 comments

Post a Comment