Tuesday, 14 May 2019

(Photo) Pinay OFW, Nagawa Pang Mag-Selfie bago kitilin ang sariling buhay


Nagawa pang mag-selfie ng isang OFW bago ito tuluyang nagpakamatay, Naipadala pa niya ito bilang mensahe sa kapwa niya OFW na kinagulat ang larawan.

Napag-alaman na lamang ng kapwa OFW na tinotoo na pala ng kanyang kaibigan ang pinadalang larawan.

Labis na nakababahala ang post ng OFW na si Jhack Agulto kung saan binahagi niya ang naging sitwasyon ng kapwa niya Pinay abroad na kinitil ang sariling buhay.



Ayon sa post ni Jhack, dala raw ng matinding problema kaya naisipang gawin ito ng kaibigang si Shyr Magnahoy Dela Peña.

Sinabi rin nito na tila di inaalam ng mga kaanak ni Shyr ang kalagayan nito sa ibang bansa kaya naman mag-isa niyang kinakaya ang problema.

Pinakita rin ni Jhack ang pinadalang larawan ni Shyr bago siya magbigti. Sa umpisa ng mensahe naisulat lamang niya ang "sis" at ang kasunod na nito ay larawan niyang may tali na ang leeg.



Sadyang nakagugulantang ang larawan na di akalain ni Jhack na magagawa ng kaibigan. Naglabas din ng saloobin ang iba pang mga OFW na nauunawaan daw ang kalagayan ni Shyr ngunit sana raw ay naapulahan.

Normal na raw kasi sa kanila ang makaramdam ng kalungkutan kaya naman kailangan laman nila ng mga taong uunawa sa kanilang kalagayan ay syempre ang madalas na pakikipag-ugnayan sa kanilang mga mahal sa buhay.

Here's the original post:



Ilan sa mga gumagamit ng social media ay nagpahayag din ng kanilang mga reaksyon sa ukol sa Post:







Source: Facebook/Jhack Agulto

Ano ang masasabi mo tungkol dito? Huwag nang mag-atubiling iwanan ang iyong mga komento at mga reaksyon sa nasabing artikulo.

0 comments

Post a Comment