Tuesday, 21 May 2019

(UPDATE) Leni Robredo, Hindi Tinanggap Ang Resignation Letter Ni Sen. Pangilinan


Sa katatapos lang na halalan ay tila tiyak na walang nakuha na pwesto sa Top 12 ang mga senatorial bets mula sa hanay ng oposisyon. Napabalitang nagresign sina Kiko Pangilinan at Congressman Christopher “Kit” Belmonte bilang top officials ng partido as LP president at LP secretary general.

Pahayag ni Atty. Barry Gutierrez at spokesperson ni Vice-President Leni Robredo,

“The Vice President has not accepted Senator Kiko’s and Cong. Kit’s resignations. Much work remains to be done, and they will do it, together.”

Hindi tinanggap ni Leni Robredo ang resignation letter ng dalawang top officials ng partido.



Dahilan ng nasabing mga LP officials, sila ang umaako sa responsibilidad kung bakit wala ni isang senatorial candidate mula sa kanilang partido ang nanalo at nakapasok sa Magic 12. Sa mga manok ng LP na tinawag na Otso Diretso ay si Senator Bam Aquino at Mar Roxas ang nakapasok sa Top 20 na kung saan ay nasa ika-14th si Aquino at sa ika-16 naman si Roxas. Ang iba pang miyembro ay nasa 21 pataas.

Nitong Martes ay pinuri ng Malacañang ang desisyon ni Kiko Pangilinan dahil sa pagtanggap nito ng kanilang pagkatalo. Ayon naman kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang “overwhelming majority” ng mga botante ay tumugon sa mga prinimote ng pangulo na mga senatorial candidate na syang sinasabi nitong makakatulong sa mga hangarin ng pangulo para sa bansa. At may layunin na,



Ayon pa kay Panelo ay hindi tinanggap ng karamihan ng mga Pinoy ang mga black propaganda na binabato ng oposisyon sa pangulo at sa asministrasyon nito katulad na lamang ng EJK, drÜg war, at problema sa Spratly Islands.

Samu’t saring reaksyon naman ang ipinabatid ng mga netizens ukol sa pagreresign nina Belmonte at Pangilinan at sa pagtanggi ni Robredo sa kanilang pagbibitiw. Sinita ng netizens si VP Robredo at sinabing wala itong halos gawin kundi ay sitahin ang pangulo at administrasyon kaysa magtrabaho at suportahan ang pangulo. Mainam anila ay suportahan na lamang ang pangulo sa magandang mithiin nito.



Ilan sa mga gumagamit ng social media ay nagpahayag din ng kanilang mga reaksyon sa ukol sa Post:



Source: Facebook/GMA News

1 comments:

  1. As the highest ranking leader of the party (LP), Robredo should be the president of the Liberal Party. She does not want that job because she cannot do it. AND SHE WANTS TO BE PRESIDENTY OF THE PHL?!?!

    ReplyDelete