Saturday, 4 May 2019

(Video) Menor de Edad na Binugbog ng Chairman, Naunahan ng Kapitan sa Pag Sampa ng Kaso at Pinagpapapyansa ng 35k.


Pinagpapyansa ng halagang 35k ang menor de edad na binugbog ng isang Brgy. Chairman matapos na magpalabas ang Tanggapan ng Piskalya ng Lungsod ng Maynila ng Resolusyon laban dito.

Inilabas ang nasabing Resolusyon dahil sa counter charge na isinampa ni Brgy. Chairman Felipe Falcon Jr. ng Sta. Cruz, Maynila sa isang binatang edad 16 sa kaparehong barangay sa kasong Direct Assault.

Matatandaang nauna nang naghain ng kaso ang magulang ng binatilyo laban sa Kapitan dahil sa umano’y pambubugbog nito sa kaniyang anak.



Ipinagtataka ni Raffy Tulfo ng Tulfo In Action, na kung saan ay nauna nang dumulog ang mag-ama, ay kung bakit mas nauna pang lumabas ang Resolusyon ng Piskalya sa kasong isinampa ni Falcon kaysa sa isinampa ng pamilya ng nabugbog.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin DiƱo na nauna na siyang nagbigay ng endorsement letter sa ama ng biktima upang lumapit sa Public Attorney’s Office (PAO) ngunit hindi na muling nagbalik ang mga ito. Nangako rin si Usec na tutulong at kakausapin si PAO Chief Public Attorney Dr. Persida Acosta para tutukan ang nasabing kaso.



Ipinaliwanag naman ng ama ng biktimang si Ranero Galizo na nagkaroon ng paghaharap para sa diversion hearing na kung saan ay kung papayag ang kampo ni Falcon ay sasailalim ang binatilyo under provation. Sa huli ay naisampa ang kaso laban dito at nagplead ng not guilty ang kampo ng biktima.

Nilinaw rin ni Galizo na nasampahan na ng kaso si Falcon at nabigyan ng warrant of arrest ngunit nakapagpyansa.



Dagdag pa dito, maliban sa kasong physical injury ay nabura na ang iba pang kasong isinampa laban sa Kapitan at nawala rin sa kaso ang isa pang kasabwat nito sa pambubugbog.

Samantala, ipinayo naman ni Department of Justice (DOJ) OIC Prosecutor General Atty. Richard Fadullon na iapila ng pamilya ng biktima ang naging desisyon ng Piskalya ng Maynila sa DOJ upang matingnan ng Office of the Secretary ang naging basehan o pagkakamali sa pagresolba ng isinampang kaso sa menor de edad.



Sa huli ay ipinarating ni Raffy Tulfo ang kanilang agarang pag-aksyon sa kaso sa tulong ng DILG, DOJ at PAO.

Watch the Video Here From Raffy Tulfo in Action Youtube Channel :



The social media users have also expressed their reactions on the post:







Source: Facebook/Youtube/Raffy Tulfo in Action

Ano ang masasabi mo tungkol dito? Huwag nang mag-atubiling iwanan ang iyong mga komento at mga reaksyon sa nasabing artikulo.

0 comments

Post a Comment