Tuesday, 14 May 2019

(Video) Misis na OFW, Nahuli ni Mister na May Kangusuan sa Video Call, Ngusuan lang Daw ang Relasyon?


Nahuli raw ni mister na mayroong "kangusuan" sa video call ang kanyang misis na OFW sa Israel, Nagpakita pa nga ito ng ebidensiya kung saan makikita ang asawa nito at ang lalaki, Bukod rito ay mayroon pang malalaswang messages ang lalaki sa kanyang asawa na tila ba mayroon nang nangyari sa kanila.


Gigil si Aldrin dela Cruz nang dumulog sa programang Raffy Tulfo in Action para ireklamo ang misis na OFW at ang lalaking napapalapit dito. Ang misis niya na si Riziel dela Cruz at ang lalaki naman na kinilalang si Rogelio Basas ay parehong caregiver sa Israel.

Giit ni Aldrin, mayroon nang relasyon ang dalawa lalo pa at nahuli niya ang mga ito na nakanguso na tila ba naghahalikan sa video call. Ipinakita pa nito ang screen shot kung saan kitang-kita ang pagnguso ng dalawa sa isa't-isa. Bukod pa rito, inirereklamo rin ni Aldrin ang mga malalaswang messages ni Rogelio sa kanyang misis.



Nakasaad rito na tila ba mayroon nang nangyari sa mga ito lalo pa nga at may mga pagkakataon palang nagkita pa ang mga ito doon. Depensa ni Riziel, kaibigan lamang niya si Rogelio at ang "pagnguso" niya sa video call ay ginagawa rin niya sa iba pa niyang kaibigan.

Itinanggi rin niya na mayroong nangyari sa kanilang dalawa at nagalit rin daw siya nang mag-message ito ng mga malalaswa sa kanya. Sabi naman ni Rogelio, kaibigan lang niya si Riziel at inamin na ginamit lamang niya ang babae para pagselosin ang kanyang ex.



Bagay na hindi pa rin matanggap ni Aldrin dahil sinira raw nito ang dignidad ng kanyang asawa. Nais sana niya na mapa-uwi at maipa-deport na ang dalawa ngunit nangako na lamang si Rogelio na uuwi na sa bansa.

Habang si Riziel naman ay pinag-bigyan nitong manatili roon dahil na rin sa mga utang nito. Ngunit nagbanta si Aldrin na ipade-deport at kakasuhan ang asawa kapag mayroon pa siyang nahuli rito.



Sa latest update ng programa, napag-alaman na itutuloy ni Aldrin ang kaso laban kina Riziel at Rogelio at naghahanap lamang ng matibay na ebidensiya. Tinanggalan na rin nito ng karapatan ang asawa sa kanilang mga anak.

Panoorin ang Aktwal na kuha ng nasabing Video:



Ilan sa mga gumagamit ng social media ay nagpahayag din ng kanilang mga reaksyon sa ukol sa Post:







Source: Facebook/Youtube/Raffy Tulfo in Action

Ano ang masasabi mo tungkol dito? Huwag nang mag-atubiling iwanan ang iyong mga komento at mga reaksyon sa nasabing artikulo.

0 comments

Post a Comment