Thursday, 9 May 2019

(Video) Taxi driver na Nangungutong sa Dalawang Banyagang Vlogger, Pinapa-Suspende ang Lisensya


Taxi driver na nangungutong ng Austrian vlogger na nagpo-promote sa ganda ng bansang Pilipinas ang gustong patatanggalan ng lisensiya ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Inireklamo ang kasi ang taxi driver na si Jhumil Bule ng dalawang Austrian vlogger na sina Michael Holaschke at Anela Hrnic.


Si Michael at Anela ay matagal ng balik-bayan at nagpo-promote sa mga magagandang lugar sa bansa sa kanilang youtube channel.

Ayon pa ng dalawang banyaga galing daw sila sa NAIA at sumakay sila sa taxi na minamaneho ni Bule at magpapahatid sa Pasay City.

Ayon pa ni Michael nang nasa-loob na sila ng taxi bigla nalang daw nanghihingi ng malaking bayad si Bule at nagpa dagdag pa ang driver dahil sa rason na mabigat daw ang kanilang bagahe.



Hindi alam ng taxi driver na naka-record na pala ang video ang pangungutong ng driver sa mga pasahero.

Ayon pa ng banyaga sa kalagitnaan ng kanilang paguusap sa driver bigla daw napansin ng driver na pinag-videohan pala siya ni Anela na nasa-likod lang ng upuan. Doon na daw nagalit ang driver at naging agresibo at muntik na daw siyang sakktan ng driver.

Sinabihan din daw sila ng driver na kung hindi sila magbabayad pababain nalang daw sila kung saan sa lugar pa na hindi nila alam.

“If you will not pay extra [for] luggage, you drop [here],” ayon pa ng driver na kita sa video.



Dahil sa insedente agad pinapahuli ang driver at nakiusap na rin ang MIAA sa Land Transportation Office (LTO) na tanggalan ng lisensiya si Bule at pinagbawalan rin ng MIA ang anomang mga puting taxi na makapasok sa NAIA.

Nanawagan sa publiko ang dalawang vlogger na huwag lahatin ang mga taxi driver sa ginawa ni Bule, lalo’t naging maaliwalas naman daw ang pangkalahatang karanasan nila sa bansa.

The social media users have also expressed their reactions on the post:







Source: Facebook/philnetizen

Ano ang masasabi mo tungkol dito? Huwag nang mag-atubiling iwanan ang iyong mga komento at mga reaksyon sa nasabing artikulo.

0 comments

Post a Comment