Monday, 6 May 2019

(Viral) Kren Austria na Sinampal ang Ina ng Tsinelas, Maaaring Mawalan ng Trabaho Dahil Nakarating na Umano sa Boss nito ang Nangyari.



Kren Austria na Nanampal ng Tsinelas sa Nanay Niya, Maaaring Mawalan ng Trabaho Dahil sa Ginawa Niya. Ayon sa isang Kren Warrior na nakipag usap sa isang Netizen na nag post tungkol sa ginawa sa kanyang magulang.



Libo-libong netizen ang nanggalaiti kay Kren Austria, gawa ng pagsampal niya ng tsinelas sa mukha ng sariling ina. Marami ang nagsasabing parang hindi ito propesyunal na tao dahil sa kanyang ginawa.



Kaya naman maraming netizen din ang nanawagan sa boss ni Kren sa cruise ship, na pag-isipang maigi kung gusto ba nilang madikit ang pangalan nila sa ngayo'y trending na malditang si Kren.



Isa na rito si Rhea Fatime Waguia Anton, na ngayon ay pinuputakte ng kung anu-anong pagmumura at masasakit na salita mula sa mga taong tinagurian niyang "Kren Warriors." Maaaring ang mga ito ay mga matatalik na kaibigan ni Kren na sa kabila ng lahat ay kampi pa rin sa babaeng ito.



Sa siwalat ni Rhea, sabi daw ng mga kaibigan ni Kren ay nakaabot na nga talaga sa pinagtatrabahuan nitong Holland American Cruise at ngayon ay baka nga raw matanggalan na talaga ng trabaho ang dalaga. Dahilan ito ng pagbubunyi ng maraming netizen, ngunit sabay namang dumami lalo ang mga nangba-busch kay Rhea, ayon na rin sa kanyang post.



Ang pinagtataka ni Rhea, sa dami ng mga nagagalit kay Kren Austria, ay bakit siya lang ang pinupunterya ng mga ito. Hindi naman siya lang ang nag-iisang taong humiling na sana ay karmahin dahil sa ginawa niyang kawalang-hiyaan sa nanay. Mabait pa nga ito at trabaho lang ang ninais niyang mawala kay Kren, samantalang hinihiling ng iba na masaktan o may mangyaring masama dito.



Depensa naman ni Rhea sa sarili, wala naman siyang ibang ginawa kundi i-share lang ang bagay na ginawa ni Kren. Si Kren pa rin naman talaga ang puno't dulo ng lahat ng nangyari sa kanya, at hindi na kasalanan ni Rhea kung mawalan man siya ng trabaho dahil dito.



Sa mga ulat ng aming Source, nailathala kung paano lumapit ang ina ni Kren Austria, na si Magdalena Austria, sa Raffy Tulfo in Action, at inireklamo ang pang-aaping ginawa ng dalawang anak.

The social media users have also expressed their reactions on the post:













Source: Facebook/KAMI

Ano ang masasabi mo tungkol dito? Huwag nang mag-atubiling iwanan ang iyong mga komento at mga reaksyon sa nasabing artikulo.

0 comments

Post a Comment