Friday, 3 May 2019

(Video) Misis na Nangaliwa Nagmaka-awa kay MISTER na bigyan pa siya ng Last CHANCE!


Mister ang dumulog kay Raffy Tulfo upang matulungan na masampahan ng kaso ang misis na nangaliwa diumano.

Ang 32-anyos na Factory Worker sa South Korea na si Erwin Saludes ay ponao na ang desisyon na makipaghiwalay at sampahan ng kaso ang misis. Ang 29-anyos na misis ni Erwin na si Jessica Saludes naman ay puno ng paghihinagpis at pagmamakaawa na mapatawad ng kanyang asawa.



Pilit pinaaamin ni Erwin si Jessica kung ilan lahat ang naging kalaguyo nito habang malayo itong nagtatrabaho sa South Korea. Aniya ay bawat buwan ay may mga nagsusumbong sakanya ukol sa pagkakaroon ng lalaki ni misis.

Diumano ay umamin pa ang lalaki na naging kalaguyo ng kanyang misis at sinabing may nangyari sa kanila. May mga nakakita din umano na nasa mall ang ginang at may kasamang iba. Marami umano ang magpapatunay ng kabalbalan ng asawa pati na rin ang mga kaibigan nito. Napag-alaman din nito na nagpupunta ito sa isang casino kasama ang isang Thailander.



Plano din ni Erwin na maipanalo ang kustodiya ng kanilang mga anak. Siya na umano ang magpapalaki at magtataguyod sa mga bata. Hindi rin umano nagaalaga ng maayos ang ginang sa kanilang mga anak. Pagbabahagi ni Erwin, gigising ito sa tanghali at maliligo sa hapon at aalis ng madaling araw. Hindi umano nito inaasikaso ang kanilang mga anak.

Sa kabilang banda ay puros naman pagmamakaawa ang sinasamo ni Jessica mula sa kabilang linya. Aniya ay ayaw nito na magkahiwalay sila at nangangako na magsisimula sila ng panibagong buhay. Ganunpaman, marami pa din itong dinedeny sa mga alegasyon sa kanya ng asawa. Suportado naman si mister ng mga ebidensya laban sa asawa.


Sinamahan ng team ni Raffy Tulfo si Erwin na magsampa ng kaso laban kay Jessica.

Nagpakita naman ng suporta ang mga netizens sa naging desisyon ni Erwin. Anila ay dapat ituloy ng lalaki ang pagkakaso sa asawa nito upang maturuan ito ng leksyon. Inulan naman ng mga negatibong komento ang asawang si Jessica bunsod ng pagiging salawahan nito at hindi nakontento sa kanyang asawa.

Watch the Video Here From Raffy Tulfo in Action Youtube Channel :



The social media users have also expressed their reactions on the post:



Source: Facebook/Youtube/Raffy Tulfo in Action

0 comments

Post a Comment