Wednesday, 5 June 2019

(Video) Adviser, Vinideohan ang Kanyang Grade 5 Student Habang Ginagawan ng Kalaswaan


Lumapit ang mag-ina sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action at isinumbong ang adviser ng 14-anyos na nasa Grade 5, Vinideohan siya ng kanyang guro habang ginagawan ng kalaswaan.



Ginahasa rin ng 45-anyos na guro ang bata nang ilang beses Dumulog si Felina Rivera, 45, at ang anak niyang Grade 5 na si "Nene," 14, sa Raffy Tulfo in Action at inireklamo ang isang 45-anyos na guro sa Palattao Elementary School, Isabela.

Napag alaman na ayon sa salaysay ni Nene ay ginahasa siya ng guro na adviser niya mismong si Erlito Duque. Vinideohan pa ng guro ang kalaswaang ginawa sa bata at ito'y ipinakita niya sa barangay captain nila.



Ayon sa kuwento ni Nene, sinasara ng guro ang pinto ng CR, pati ang pinto ng kanilang silid-aralan, nilalagay ang laptop sa mesa at siya'y pinahubad habang si Erlito naman ay nakaupo sa inidoro. Di lang iyon, ilang beses ding ginahasa ni Erlito sa damuhan sa may dulo ng kanilang paaralan.

Dahil nga may deperensya ang bibig ni Nene, sobrang mahina ang boses niya at di siya nakakapagsalita nang malakas. Batay sa test ng medico-legal, positive na nagahasa nga si Nene, at ilang beses pa.



Nang tanungin kung bakit ngayon lang nagsumbong si Nene sa magulang, ito ay dahil tinatakot daw siya ng gurong ikakalat ang video. Sa tulong ng tanggapan ni Idol Raffy, tinulungan nila si Nanay Felina at Nene na masampahan ng kaso ang guro at maireport sa DepEd.

Panoorin ang Aktwal na kuha ng nasabing Video:



Ilan sa mga gumagamit ng social media ay nagpahayag din ng kanilang mga reaksyon sa ukol sa Post:







Source: Facebook/Youtube/Raffy Tulfo in Action

Ano ang masasabi mo tungkol dito? Huwag nang mag-atubiling iwanan ang iyong mga komento at mga reaksyon sa nasabing artikulo.

7 comments:

  1. DEATH PENALTY
    MAAWA KAU S MGA INOSENTING KABATAAN
    PLS IBALIK N ANG DEATH PINALTY

    ReplyDelete
  2. Please balik nyo ang death penalty..daming masasamang loob ang malakas ang loob dahil nawala n ang parusang yan.please.ng matakot naman sila!

    ReplyDelete
  3. Inaabangan ko ang part 2 sa paghuli ng hinayupak na Guro

    ReplyDelete
  4. hayop na guro. ito ang kasalanan na may kasamang kasamaan dahil kanyang isinaplano ang krimen na ginawa nya...

    ReplyDelete