Monday, 3 June 2019

Erwin Tulfo kay Kiko Pangilinan: "Tatakbo akong senador sa 2022 at ia-abolish ang JJL"


Sinupalpal ng batikang brodkaster na si Erwin Tulfo ang mga diumano reklamo at di pagsang-ayon ni senator Kiko Pangilinan sa proyekto ng gobyernong pagpapatayo ng mga Youth Center o Bahay Pag-asa.

Sa programa sa radyo ni Erwin Tulfo ay inilabas nito ang kanyang galit laban sa mga senador na sina Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros.

Aniya ay tila hindi naiintindihan ng oposisyon ang layunin ng pagpapatayo ng mga Bahay Pag-asa para sa mga tinatawag na teenagers in conflict with the law o sa madaling salita ay mga kabataan na nahaharap sa mga mabibigat na kaso sa gobyerno at sa lipunan.



Banta ni Erwin kay Pangilinan, tatakbo ito sa 2022 at ia-abolish ang Juvenile Justice Law ni Kiko Pangilinan. Aniya ang batas na ito ay nagbibigay laya sa mga kabataang gumawa ng masasama sa lipunan nang hindi nakukulong.

Bunsod nito, itinuturo din ni Erwin ang Juvenile Justice Law na syang naglilimita sa mga menor de edad na kung saan ay hindi sila maaaring makulong sakaling may magawa ang mga ito ng kasalanan sa batas. Bilang kabataan, hindi sila maaaring ihalo sa mga regular prisoners. Ang mga menor de edad na mapapatunayang nagkasala sa lipunan ay ibinabalik lamang sa pangangalaga ng mga magulang. Na syang hindi tama sa pananaw ni Tulfo.


Kinukwestyon ni Erwin Tulfo ang tila hindi maintindihan ng opisisyon sa proyekto at layunin ng Bahay Pag-asa. Diumano ay masyadong malaki ang isang bilyong proyekto na ito na mas mainam umano na gamitin para makagawa ng mas maraming eskwelahan upang mas masuportahan ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral. Banat naman ni Erwin.

 hindi lamang isang youth center ang gagawin bagkus ay ipapakalat ito sa iba’t ibang probinsya. Hindi aniya basta bastang bahay ang itatayo. May mga nararapat na high fences din ito nang sa gayon ay di makatakas ang mga batang ipapasok rito. At makapag-focus na ma-transform ang mga kabataang ito at madala sa mabuting landas.

Dagdag pa ni Erwin ay hindi na kayang i-handle ng DSWD ang pangangalaga sa mga kabataan na TICL dahil masyado nang malawak ang responsibilidad na nakaatang sa ahensyang ito. Ipinaliwanag naman nina Irene Dumlao ng DSWD, RJ Echiverri ng LGU at Bernard Banac ng PNP ang kahalagahan at paghahandle ng pagpapatayo ng Youth Center sa maraming probinsya.

Suportado naman ng netizens ang mga banat ni Erwin sa oposisyon partikular na kay Senator Kiko. Agree ang marami na tila puro lamang reklamo ang mga ito kaysa tumulong at magbigay ng suporta sa mga layunin ng administrasyon.



Source:facebook

1 comments:

  1. Ang Juvenile Justice Law ni Kiko Pangilinan ay kumukunsinti sa mga kabataang gumawa ng masama.Paano alam nilang pag ghumawa sila ng masama ay hindi sila malalapatan ng batas ng kaukulang parusa sapagkat may batas na kakampi sila na kukunsinti sa anumang masamang gawain nila.

    ReplyDelete