Saturday, 8 June 2019

(Video) Lalaki, Inakusahan ng Isang Nagpakilalang Doktora na binangga Umano ang Kanilang Sasakyan


Hindi na napigilang maglabas ng sama ng loob ang isang motorista, Ito ay matapos siyang pagbintangang nakasagi sa isang sasakyan ng isang babaeng nagpakilalang isang doktor.

Gigil na gigil ito sa kanila at hinihingi pa ng isang kasamahan ni doktora ang kanyang lisensya, Ibinahagi ng Facebook user na si Johnidel Narag ang mga video na kuha sa dashcam upang patunayan na hindi totoo ang ibinibintang sa kaniya ng isang babaeng nagpakilalang doktora.



Base sa video na kanyang ibinahagi, makikitang magkasunod ang sasakyang minamaneho ni Narag at ng Toyota Fortuner. Gayunpaman, nag overtake ang sasakyan nila 'doktora' na makikita din sa isang video na kanyang ibinahagi.

Makikita din na tila may lubak na dinaanan ang Toyota Fortuner at medyo kumalabog iyon. Nauna na ang sasakyan nina Narag nang tila binubusinahan na sila. Muling nag overtake ang sasakyan at huminto upang harangin ang grupo nina Narag.



Bumaba ang tatlong lulan ng sasakyan. Isang babae ang lumapit at nagsabing , "Ba't nanginginig ka ha?" Na sinagot naman nila nang "Ay nagkape po kami." "Nakikita ko eh, halatang nagpapalpitate ka sa itsura mo oh. Hindi, ako doktor ako, I can see," sagot pa ng babae.

Nagkasagutan pa sila at pilit pinaliwanag ng inaakusahang driver ang kanyang panig ngunit tuloy lang ang babae. Ayon pa din sa isang video, hiningi pa ng isa sa tatlong taong ito ang lisensiya ni Narag na hindi naman tama dahil wala silang karapatan para gawin iyon.

Panoorin ang Aktwal na kuha ng nasabing Video:



Ilan sa mga gumagamit ng social media ay nagpahayag din ng kanilang mga reaksyon sa ukol sa Post:







Source: Facebook/Johnidel Narag

Ano ang masasabi mo tungkol dito? Huwag nang mag-atubiling iwanan ang iyong mga komento at mga reaksyon sa nasabing artikulo.

2 comments:

  1. I saw all the video. Hahahahahahahah How you have hit her Fortuner, she has not even driving infront of you ? How is that ? Unless you are a magician or she was. ! Hahahahahahahah excuse me doctor (if you are a dr), go see your shrink friend maybe you need a little psycho analysis.

    ReplyDelete
  2. Grabeng kayabangan naman yan. Hindi bale sana kung Ferrari yan o kahit BMW lang. Ni walang gasgas kung makaasta akala mo mga diyos na sila. Sarap hambalusin ng martilyo punyeta

    ReplyDelete