Monday, 3 June 2019

Arestado ang Chess Instructor, Nakuhanan ng Aktwal Video Habang Minomolestiya ang 10-anyos na bata sa Baguio City.


Bagsak sa kulungan ang isang lalaki sa Baguio City matapos makuhanan ng video na minomolestya ang isang 10-anyos na batang babae sa loob ng jeep.

Dahil sa pangyayari, ipinost ito ni JM Olsim Madinno sa social media kasabay ng mga larawan ng lalaki kasama ang bata sa Burnham Park kung saan ipinagpatuloy pa nito ang kalaswaan.



“Natakot po ako para doon sa bata kasi alam ko po na bawal po ‘yun at bata pa ‘yung bata,” ayon kay Madinno.

Matapos isumbong ni Madinno sa mga pulis ang insidente, agad na nahuli ang lalaking chess instructor pala ng bata na noo’y nasa parke.

Hindi naman lubos akalain ng mga magulang ng bata na magagawa ng limang buwan nang instructor ang kalaswaan sa kanilang anak dahil pinaalam umano ng suspek na tuturuan ang bata ng chess.



“Na-shock ako kasi wala akong kamalay-malay tapos ang alam ko naman ‘yung kasama niyang coach eh mabait kasi parang pamilya rin ang turing namin sa kaniya kasi pumupunta rin naman sa bahay kapag may okasyon,” kwento ng nanay ng biktima.

“Masakit sa pakiramdam ko, kaya talagang kung puwede sana bugbugin ko ‘yung tao pero wala, hindi ko gustong manakit ng kapuwang tao,” sabi ng tatay ng bata.

Ayon naman sa suspek, may pagkakaintindihan sila ng bata at karelasyon niya ito.

“Nagkakaintindihan po kami, parang may relasyon po kami ganun. Kaya ‘yung paghawak ko sa lang sa leg niya, parang normal lang sa kaniya yun,” sabi ng suspek.

Kasong child abuse o paglabag sa Republic Act 7610 ang inisyal na reklamong isinampa laban sa suspek.

 

“Currently where investigating [kung ano pang mga kaso ang pwedeng i-file sa kanya.] Hindi po kasi natin alam kung ano po mga ginawa niya before and after,” ani Police Col. Allen Rae Co, City Director ng Baguio City Police Office.

Kasalukuyan nang nakakulong ang lalaki sa Baguio City Jail. Dahil dito, pinuri ng netizen na si Cheryl L. Daytec-Yañgot ang katapangan na ipinakita ni Madinno.

Ilan sa mga gumagamit ng social media ay nagpahayag din ng kanilang mga reaksyon sa ukol sa Post:







Source: Facebook/PhilNetizen

Ano ang masasabi mo tungkol dito? Huwag nang mag-atubiling iwanan ang iyong mga komento at mga reaksyon sa nasabing artikulo.

0 comments

Post a Comment