Tuesday, 4 June 2019

(Photo) Pinay OFW sa Japan, Pinaliwanag sa Isang Sulat ang Dahilan ng Pagkitil nya sa Sariling Buhay


Nag viral ngayon ang pagkamatay ng isang Pinay OFW sa Japan. Binahagi ng netizen na si Yedda Lozano ang orihinal na post umano ni 'Mi Chan.'

Nakalulungkot daw kasing malaman na sa kabila ng kanyang kagandahan at kabataan, nagawa pa rin nitong kitilin ang sarili niyang buhay.

Ang masaklap pa rito may anak itong lalaki na naiwan at nawalan ng ina.




Sa sinasabing 'suicide note' na iniwan ng Pinay, nabanggit nito na "pagod na pagod" na siya sa kanyang buhay. May sakit man o wala, kailangan niyang kumayod dahil ayaw niyang may masasayang na sandali sa kanyang pagtatrabaho abroad.

Kulang pa raw kasi ang sahod niya at minsan ay 'abunado' pa kaya wala siyang pinalalampas na oras para kumita.

Lumalabas na rin na nahihiya di umano ito sa mga taong tumulong sa kanyang makapag-abroad na nabanggit niya sa sulat ang mga pangalan.



Lantaran ding sinabi nito ang mga katagang "minsan gusto ko na lamang magpakamatay..." na kanya ngang tinotoo. Hirap na hirap na raw talaga ang OFW.

Nagawa rin niyang magpasalamat sa kanyang sulat at nasabi rin niyang mami-miss niya ang mga mahal niya sa buhay. Alam din ng Pinay na mami-miss siya ng mga kapamilya dahil sa wala na raw maingay sa kanila.



Labis na nakakalungkot ang nangyari na ito sa ating kababayan na dahil lamang sa depresyon, nasayang ang kanyang buhay.

Bumuhos ang simpatya sa Pinay OFW at ang iba ay nagpahayag ng kanilang saloobin ukol sa pinagdaraanan nito.

Ilan sa mga gumagamit ng social media ay nagpahayag din ng kanilang mga reaksyon sa ukol sa Post:







Source: Facebook/Mi Chan

Ano ang masasabi mo tungkol dito? Huwag nang mag-atubiling iwanan ang iyong mga komento at mga reaksyon sa nasabing artikulo.

2 comments:

  1. Haist bkt ganun ginawa nya e pd nmn syang mg relax at icpn ung mga mahal nya sa buhay kc mas kwawa ung maiiwan ..huhuhuhu ung iba nga pg my malubhang sakit ng papagamot pa e tpos sya wlang skt ngawa nya huhuhuhi rip po.

    ReplyDelete
  2. Life is not all work, life is to be enjoyed and not to be distroyed,if you are not enjoying it now, get out from there ang get a life.

    ReplyDelete