Tuesday, 11 June 2019

(Video) 2-anyos na bata, Pinainom ng Alak at Pinagsigarilyo ng Sariling Ina


Hindi mo na talaga maintindihan ang panahon ngayon, ano-ano nalang ang mababasa at makikita mo sa mga social media. Marami kang makikitang mga taong gumagawa ng mga kakaibang bagay para ipakita ang kanilang mga talento ang iba naman kahit walang kabuluhan basta magpapansin lang sa social media. Uso na talaga ngayon ang pagkuha ng mga video at minsan nakakatulong din to sa paglutas ng mga kaso bilang matibay na ebedensiya sa isang krimen.



Tulad ng balitang ito, na bini-videohan ang isang 2-anyos na batang lalaki habang pinapainom ng nakakalasing na inumin ng kanyang ina. Ayon sa ulat, ang video na makikita ay kuha noong May 18 sa isang kwarto sa Cubao, Quezon City. Makikita sa video na inaabutan ng isang babae ang 2-anyos na batang lalaki ng isang nakakalasing na inumin at ilang beses itong pinainom ng babae na ayon sa ulat ay mismong ina na bata ang babaeng iyon at ang kumukuha ng video ay ang kayang boyfriend na tinatawag pa ng pare ang musmos na bata habang tumatawa.



Maya-maya makikita sa video na gumapang ang bata at kinuha ang nakasinding sigarilyo at inilagay ito sa kanyang bibig imbes na sawayin ito ng ina at nagvivideo ay patawa-tawa lang ang dalawa. Sa ibang parte ng video ay kitang kinuha ng bata ang sigarilyo at lighter at sinubugang sindihan ito, nang hindi masindihan ng bata ang sigarilyo ay mismong boyfriend ng ina nito ang mismong nagsindi ng sigarilyo

Ang nakadiskubre pala ng video na ito ay mismong ama ng bata, ayon sa kanya nakita niya ang video ng maiwan ng kinakasama niya ang cellphone nito. Galit na galit ang ama ng bata sa ginawa ng kanyang musmos na anak, gusto niya papanagutin ang gumawa nito sa kanyang anak.



Agad naman umaksyon ang mga pulis kasama ang mga social worker sa tinitirahan ng ina na bata sa Novaliches, Quezon City. Nasagip ang bata habang inaresto naman ang kanyang ina at sa Marikina naman naaresto ang boyfriend nito at napagalaman din na isang Criminology Graduate at nag aapply ng trabahon bilang Pulis. At itinatanggi din ng lalaki kumuha umano ng video na may relasyon sila ng ina ng bata.

Humingi din ng tawad ang dalawa sa bata at sa ama nito pero desido na ang ama ng bata na kasuhan ang dalawa ng child abuse.

Panoorin ang Aktwal na kuha ng nasabing Video:


Ilan sa mga gumagamit ng social media ay nagpahayag din ng kanilang mga reaksyon sa ukol sa Post:







Source: Facebook/balitanghali

Ano ang masasabi mo tungkol dito? Huwag nang mag-atubiling iwanan ang iyong mga komento at mga reaksyon sa nasabing artikulo.

1 comments: