Wednesday, 5 June 2019

(ViraL) Principal, Balak Ihabla ang Gurong Nagpost ng Kanilang CR na Ginawang Faculty


Nag-viral sa social media ang mga larawan ng comfort rooms na ginawang faculty room sa Cavite, Haharap sa patong-patong na kaso ang gurong nagbahagi ng mga larawan dahil sa pagsira umano ng mga ito ng imahe ng paaralan.

Depensa ng punungguro, di niya inutusan ang kanyang mga guro na manatili doon at sinabing binigyan pa niya ang mga ito ng pahintulot na gamitin ang library at function hall at laboratory rooms sa mga guro.


Posibleng humarap sa patong patong na mga kaso ang gurong si Maricel Herrera matapos nitong ibahagi ang kalunos-lunos na kalagayan nila sa paaralan.

Nag-viral ang mga larawan niya kung saan ginawa nilang faculty rooms ang ilang palikuran ng paaralan sa kakulangan daw sa pwede nilang gawing faculty room.

Una na itong naibalita, Dahil dito, inulan ng batikos ang pamunuan ng Bacoor National high school kung saan nagtuturo si teacher Maricel.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN sa punungguro na si Anita Rom, wala siyang utos sa mga guro na gawin ito. Depensa pa nito,


inalok niya ang mga guro na manatili sa laboratory rooms, library at maging ang function hall na kasya ang nasa 700 katao ay maari na raw gamitin ng mga guro bilang faculty room.

Napilitan lamang ang mga guro na lisanin ang faculty room dahil sa gagawin pa itong karagdagang classroom.

Ayon pa kay teacher Maricel, sana raw kasi ay ang maaring kumuha ng pondo ng paaralan o tinatawag na MOOE ang pagpapagawa ng maayos na faculty room na kasya ang mga guro.

Giit naman ng principal, dapat na nagtuturo ang mga guro at di isipin ang lugar na 'pahingahan' nila sa paaralan.

Masama ang loob niyang sinabi na di lamang ang imahe ng Bacoor National high schol ang sinira ni teacher Maricel kundi ang imahe ng buong DepEd.

Dahil sa mga pangyayaring ito, maaring humarap sa mga kasong administratibo, cyberlibel at destruction of public facility ang guro.

Narito ang Nasabing Viral Post na Kumalakalat sa Social Media:



Ilan sa mga gumagamit ng social media ay nagpahayag din ng kanilang mga reaksyon sa ukol sa Post:







Ano ang masasabi mo tungkol dito? Huwag nang mag-atubiling iwanan ang iyong mga komento at mga reaksyon sa nasabing artikulo.

2 comments:

  1. Madam principal smells fishy. Saan ang budget ng DepEd. Tama ang ginawa ni titser Maricel to expose sa lack of rooms for teacher ang school na yan. Ikaw madam principal ang dapat managot. Command responsibility mo yan.

    ReplyDelete